Lascivious Casanova 84

14.1K 247 78
                                    

(LC) Chapter 84

LASCIVIOUS CASANOVA
CHAPTER 84 to 98 the LAST CHAPTER
PUBLISHED NOW

Some chapters have disturbing scenes. Before you start reading, I want to say that you have been warned, especially for those with weak stomachs, so please read at your own risk.

-----Miss IYA-----

During the days when I was still struggling with my trauma. Sometimes, I want to isolate myself. Sometimes, I don't want to be alone. There was a storm living in my head, wreaking havoc and messing my mind. The storm was so powerful that it almost took my sanity and life. It's dark and suffocating as if it's impossible for me to get out of there. I thought being free is impossible and only now that things finally became clearer. Being around them, I'm also being healed little by little. Until I realized that one day, there’s no storm anymore. That the weight that was resting on my chest has been lifted and I can breathe well again. Because of them, I learned how to fight the storm I created and I won.

“Mommy’s awake!”

Bumalik ako sa kasalukuyan at halos mapapikit ako sa matinis na boses ni Cyril. It's still morning and I just woke up. Fog around the house was still visible. Pagkasilip sa bintana at matanaw sila’y nalunod ako sa pag-iisip at ngayon lamang muling nakaahon. Napangiti ako. Nandoon sila sa ibaba. Kalaro si Jax. Bukod sa kanila’y may mga ibang tao. Nagtatayo ang mga ito ng palaruan.

“Mommy! The playground here is as big as Aunt Millie's house!” Cyril's excited voice echoed.

Hindi ko mapigilan na matawa nang magtatalon siya dahilan para magulo ang buhok niyang iniipitan ni Jax. Kung nasa tabi ko ngayon si Millie’y malamang na sumimangot na iyon kahit totoo ang sinabi ni Cyril na kasing-lawak ng bahay niya ang palaruan na ipinapatayo ngayon dito para sa mga bata.

Halos masakop ng inaayos na playground ang mga poplar tree. Malayo ang maze mula roon kaya’t hindi ako matatakot na magtungo at maligaw doon ang malilikot na mga bata. Ganoon ding ma-igting ang pagbabantay sa kanila sa malapit man o sa malayo. Bukod pa ang mga tao ni Jax na nagbabantay sa likod ng mga CCTV.

“Mommy! Come down here! Let’s play! Let’s play!” Si Benedict iyon.

Bago pa sila magtuloy-tuloy sa pagsigaw, bumaba na ako. Naka-puting dress na pantulog pa ako. Kahit walang suklay ang buhok at kahit walang ligo, hindi malagkit ang pakiramdam ko. Malamig ang pumapasok na hangin papasok sa kuwarto nang magmulat ako. Bukas ang bintana nang magising ako. Malamang na binuksan ni Jax nang bumangon siya mula sa tabi ko.

Pagkababa ko, sinalubong ako ni Jax na karga na si Gabriel. Nakangisi siyang lumapit sa akin at inakmang ilalapit sa akin ang mukha ni Gabriel. Hahalikan ko ang pisngi ni Gabriel nang humarang siya. Sa halip na pisngi ng anak ang sasalo sa labi ko’y labi ni Jax ang pinansalo niya. Ngali-ngali ko siyang tadyakan at murahin kung hindi lang inangat ni Gabriel ang mga braso niya upang magpakalong sa akin.

“Thanks for the sweet morning kiss.” Ngumisi si Jax at tila hayok na dinilaan ang labi niya.

Kumulo ang dugo ko sa inis. Bago ko pa siya masaktan, tumatawa na siyang lumayo at lumapit sa mga tauhan niyang nagkakabit ng palaruan. Tumulong siya roon. Mamaya na ang alis namin. Hindi ko lang alam sa kaniya kung anong oras. Ang alam ko lang ay isa sa mga private plane ng kaibigan niya ang susundo sa amin para komportableng mailipat sa Manila ang nakaratay na mama niya.

Hindi ko alam kung bakit biglaan ang desisyon niya na isama namin ang mama niya sa siyudad. Mukhang maayos naman ang mga nakatalagang manggagamot nang mama niya na narito. Hindi niya rin sinabi sa akin kung ano ang sinulat sa papel ni Fionn ngunit simula nang makita niya ang mga papel na dinumihan ni Fionn, hindi na nawala ang dilim sa mga mata niya. Itong umaga lang habang kalaro niya ang mga bata iyon nabura. Siguro’y nakatulong o nahawa siya sa masiglang presensya ng mga bata.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now