Simula

8.7K 205 30
                                    


High Wind and Waves

Simula

Isa. Dalawa. Tatlo.

Tatlong bilang bago ko nasilayan ang malawak na lupain ng mga Camporazzo. Pinatay ko ang makina ng aking kotse at kinuha ang aking utility bag. Bumaba ako sa sasakyan at dinama ang simoy ng hangin.

Tumingala ako para pagmasdan ang kalangitan. Kahit kailan ay hindi ko matatanaw kung hanggang saan ba ang lawak ng kalangitan. Ngunit sino ba naman ang nakakaalam kung hanggang saan ito? Palaging palaisipan sa akin kung gaano ba kataas ang aabutin para lang maabot ang dulo nito at ang kalawakan nito. Kahit ang mga bituin sa langit, hindi rin naman sigurado ang kanilang mga bilang. Ang tanging alam ko lang ay nababawasan ang kanilang ningning, namamatay at nawawala rin sa paglipas ng panahon.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing titingala ako sa langit ay napapangiti na lamang ako. Siguro ay dahil nagpapasalamat akong natatanaw ko pa rin iyon? Umulan man o umaraw, lagi kong tinitingala. Laging may hinahanap. Laging may inaabangan.

Humingala ako nang malalim. Nilingon ko ang pinto ng sasakyan at siniguradong maayos ang pagkakasara ko. Nagsimula na akong maglakad papasok sa farm ng mga Camporazzo.

Ito ang pinakamalaking farm sa kabuuan ng Marina. Halos lahat sa Marina ay dito rin kumukuha ng supply para sa poultry at kung anu-ano pa. Without this farm, siguradong malaki rin sa populasyon ng Marina ang walang trabaho. The Camporazzo family paved the way for the Marina people to build their lives by giving them the opportunity to work. Dahil sa kalawakan ng lupain, kailangan rin ng mga taong magpapanatili sa ganda nito.

Isa na rito ang mga magulang ko. My parents started from scratch. We had nothing before when my parents decided to transfer here in Marina. Ipinamana sa aking ama ang maliit na lupain nina Lolo at doon nagpatayo ng bahay ang aking mga magulang. The head of the Camporazzo family, Julio Camporazzo, became good friends with my father. He gave my father an opportunity to work for him by giving him a piggery business.

Nakaahon ang pamilya namin dahil doon. Malaki ang utang na loob namin sa mga Camporazzo kaya naman kahit na lumipas na ang panahon, dala-dala ko pa rin sa aking isipan na kailangan kong gantihan ang kabutihang iyon. Kung hindi dahil sa kanilang malaking tulong sa pamilya namin ay hindi ko rin naman mararating ang posisyon kung nasaan man ako ngayon.

The Camporazzo farm had always been a home for me. And that I'd always come back here because this is where my heart belongs.

"Doc Ada! Buti at narito ka na Doc!" Sumalubong sa akin si Kuya Enteng. He had a worried look on his face. Mukhang pagod rin at problemado. Pansin ko ang dumi sa kanyang pantalong suot at ang mga kumakapit na dayami sa suot na botas.

"Magandang umaga ho. Natanggap ko po kanina ang tawag ni Clarice. Tinawagan niyo na po ba si Doc Isidore?" Hinawakan ko nang mabuti ang aking utility bag.

Napakamot sa ulo si Kuya Enteng. "Iyon nga po, Doc. Nasa Pueblo po pala si Sir Isidore kaya hindi agad makakapunta dito. Tinawagan na rin namin si Doc Malvar, mukhang malayo pa po at nasa biyahe."

Hindi ko inaasahan ang araw na ito. I was getting ready for work when I received a call from Clarice, the front desk manager of Campo Razzo saying one of the cows is in labor. Dahil ako ang naka-duty halos araw-araw, ako ang laging takbuhan nila ng tulong maliban kay Isidore.

"Hindi po ba kayang manganak?" tanong ko habang papasok na kami ng barn kung saan nandoon ang manganganak ng baka.

"Iyon nga po, Doc. Sinubukan po namin kanina eh masyado po palang malaki 'yong anak kaya po mahirap mailabas." Tumango ako at agad na tiningnan ang baka.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now