Kabanata 32

2.3K 101 19
                                    

Kabanata 32

High Wind and Waves

"Heto pa, Reeve. Kumain ka pa." Napailing ako nang halos punuin na ni Mama ang pinggan ni Reeve nang kung ano-anong pagkain. I was just sitting across them, and I find it amusing that Reeve just kept on receiving the food.

"Ma," sumingit na ako. "Baka kabagin naman si Reeve sa dami niyan. Hayaan niyo na po siyang pumili ng kakainin niya."

Ibinaling ko ang tingin kay Reeve. I smiled apologetically and he just shrugged while smiling. Napailing ulit ako nang sumandok na siya sa kaniyang pinggan at nagsimula ng kumain.

It's my mother's birthday today. Nang malaman niya noon na katrabaho ko na si Reeve sa clinic ay halos araw-araw na lang akong ginugulo na dalhin doon si Reeve. She was always excited to see him. Kapag uuwi ako mula sa farm, hindi niya tatanungin kung kumusta ba ang araw ko dahil ang gusto niyang malaman ay ang tungkol kay Reeve.

Seeing my mother and Reeve, it was just like the old times. Si Mama na pupunuin ang plato ni Reeve at ang huli ay hindi makakaangal.

"Sa susunod ay pumunta ka rin dito, Reeve. Ipagluluto kita ng gusto mo," dagdag ni Mama nang matapos na siya.

"Baka magalit po si Ada kapag nandito na naman po ako." Sumulyap si Reeve sa akin habang kumakain.

"Sus, bisita kita. Huwag ko ng idamay rito si Ada at wala talaga akong makukuha sa kaniya. Ilang beses ko ng sinabi na papuntahin ka rito, ang sabi ay busy ka raw? Busy ka nga ba?"

"Opo. Marami po kasing pinapagawa si Ada kaya hindi rin po matapos-tapos."

"Gano'n ba? Eh kailan mo ulit liligawan itong si Ada? Lagi na kayong magkasama, imposible namang hindi niyo magustuhan ulit ang isa't-isa?"

Nabilaukan ako sa sinabi ni Mama. I massaged my chest while reaching for my glass of water. Tinulungan ako ni Reeve at inabot niya sa akin iyon. I drank immediately while massaging my chest. Hingal na hingal ako nang mailayo ko na sa aking bibig ang baso.

"Ma!" suway ko at masama na ang tingin. "Huwag naman kayong magsalita nang ganyan!" inis kong sambit.

"At bakit naman? Anak, ilang taon ka ng walang boyfriend simula ng umalis si Reeve. Baka talagang itinadhana kayong dalawa kasi bumalik siya at magkasama pa kayo sa trabaho."

"Kahit na, Ma. Nakakahiya kay Reeve." Halos ilubog ko ang sarili sa kinauupuan. Kahit ano na lang talaga ang lumalabas sa bibig ni Mama. Kahit hindi ko pa siguro tanungin ay baka nakaplano na rin ang kasal ko kay Reeve sa kaniyang isipan.

"Hindi naman iyon masama, diba Reeve?" Bumaling si Mama kay Reeve. "Maganda si Ada, matalino na kahit papaano, at doktor. Mabait kapag sinusumpong kaya pwede na ring pagtiyagaan, diba?"

Reeve just chuckled as if amused by my mother's descriptions of me. Sumimangot ako sa sinabi ng aking sariling ina.

"Hindi naman po masama," agap ni Reeve. Sumulyap siya sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil baka iba na ang sabihin niya kay Mama.

"Pero kung ayaw naman po ako ni Ada, eh wala naman po tayong magagawa riyan."

"Eh ikaw ba, Reeve? May gusto ka pa rin ba sa anak ko? O baka may nagugustuhan kang babae roon sa Maynila?"

"Wala po akong gusto roon." He chuckled again. "At opo, may gusto pa rin po ako kay Ada."

"Reeve!" sinuway ko siya. I hope he still remembers that I don't trust him. Kaya ayaw kong magsabi siya nang kung ano kay Mama dahil baka umasa na naman ang aking ina.

Napapalakpak si Mama sa sinabi ng kaniyang paborito. Tuwang-tuwa siya at parang batang nabigyan ng candy.

Nagpatuloy ang pagkukwentuhan nilang dalawa na parang wala lang ako roon. Mostly, my mother will just ask about how he had been and what it's like to be work in the farm even when it's not his expertise. It warmed my heart that Reeve talks to my mother as if he was her own child. Komportableng komportable si Mama sa kaniya na kahit sino ay mapagkakamalan silang mag-ina.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now