Kabanata 39

2.2K 94 5
                                    

Kabanata 39

High Wind and Waves

Ilang oras nang wala si Reeve sa clinic at nag-aalala ako. He did not respond to my last text either, and it made me worry. Kahit na galit ako, nag-aalala pa rin naman ako.  Wala akong narinig mula sa mansyon at hindi rin ako ipinatawag doon. Kung nandoon si Isidore at nag-away sila ni Reeve, malamang ay nagkagulo kahapon. At kung sinabi ang rason...then Sir Julio should have called me.

"Hindi pa ba nagre-reply si Reeve, Ada?" tanong ni Doc Malvar sa akin dahil kanina pa ako nakatanaw sa pinto at sa aking cellphone.

"Wala pa rin po. Hindi po ba kayo nagkita kaninang umaga?"

"Hindi. Naabutan ko ngang sarado ang clinic. Buti na lang at may spare key ako. Usually ay nauuna si Reeve sa ating dalawa kaya nakakapanibago."

Tumango ako at kinagat ang labi.

"Are you okay, hija? Nag-away ba kayong dalawa? Kanina ka pa halos hindi mapakali." He gave me an observing and concerned look.

"May hindi pagkakaunawaan lang po."

"Maybe you should go see him at the mansion. Baka nandoon lang at binibigyan ka ng space. Mukhang hindi rin  naman magandang magtrabaho nang magkasama kung magkaaway kayo."

Sinunod ko nga ang payo ni Doc Malvar at tinunton ang daan patungo sa mansyon. Lahat ng nadadaanan kong workers ay binabati ako. Ang iba ay nginingitian ko lang.

Malalaki ang hakbang ko at nagmamadali. Dumaan ako sa likod kung saan may shortcut patungo sa mansyon. Noong mga bata pa kami ni Isidore ay roon kami dumadaan para makatakas kapag pinagbabawalan siyang lumabas.

Nagpasalamat ako na bukas ang gate sa likod. Umikot lamang ako para makapunta sa unahan ng mansyon kung saan nakaparada ang pamilyar na sasakyan nina Isidore at Reeve.

Nakahinga ako nang maluwag nang makitang naroon pa ang kaniya. Baka nakabalik na siya mula sa paghatid sa Samantha'ng iyon. I was still bitter about it at magiging ganoon ako hangga't hindi ko pa naririnig ang buong paliwanag ni Reeve.

He said that the baby was not his. Mahirap paniwalaan iyon lalo pa at nakita kong buntis nga si Samantha. May pinagsamahan sila at hindi nga naman imposibleng mabuntis si Samantha kung wala silang sikretong relasyon. Hindi lang talaga mawala sa isip ko ang imaheng iyon ng babae.

Huminga ako nang malalim at kumatok sa mabigat na pinto ng Camporazzo. I was tapping my foot while waiting for someone to open the door for me. Napaayos ako ng tayo nang may magbukas nga sa akin. Bumungad ang isang kasambahay nila.

"Doc!" gulat na sambit nito.

"Magandang hapon po. Uh...nandito po ba si Reeve?"

Namilog ang mata ng babae. "Naku, Doc...mukhang bad timing kayo ngayon. Nag-away ang magkapatid kahapon at may dalang buntis dito. May iilang sugat po sina Sir."

"Si Reeve po?" pagbabaka-sakali ko.

"Naku, Doc. Hindi po ba nagpasabi sa inyo? Umalis po sila kaninang umaga at nagtungong Maynila. Wala po sina Sir Julio ngayon. Sina Sir Isidore lang at Ma'am Letitia ang nandito."

"K-kasama si Reeve sa Maynila?" pag-uulit ko.

Tumango-tango ang kasambahay. "Pwede kayong pumasok, Doc. Mukhang masama ang pakiramdam ni Sir Isidore at nagpapahinga ngayon sa kaniyang kwarto. Gusto niyo po bang ipaalam na nandito kayo?"

"Pwede bang umakyat na lang ako? I want to talk to him."

Hindi nagdalawang-isip ang kasambahay na lawakan ang bukas ng pinto. I was able to go inside. Nawala ang aking kaba nang pumasok na ako at puno na lang ng pagkadismaya.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora