Kabanata 27

2.3K 103 3
                                    

Kabanata 27

High Wind and Waves

"Good morning," bati ni Reeve sa akin nang pumasok ako sa clinic. I held my chest awkwardly because I was surprised by his sudden greeting.

Hindi pa ako nasanay. He began working as a receptionist for the clinic just a week ago. Sa unang pagpasok pa lang sa clinic ay bubungad na agad ang kaniyang desk doon. I gave him Isidore's old desk because my friend won't use it anymore.

Kung bibisita man dito si Isidore, hindi niya naman iyon magagamit.

"Good morning," bati ko pabalik kay Reeve. As usual, he looks neat in his own uniform. I have provided him his own scrub suit para naman at least makilala siya bilang empleyado ng clinic.

He had a telephone next to him and some folders. Iilang record iyon ng mga naging kliyente namin na hanggang ngayon ay bumibisita sa farm for check up.

"The Gonzalo farm called a while ago," aniya at tumayo.

"Anong sabi?"

"For a check up on their pregnant cow." Tinanguan ko ang sinabi ni Reeve. I was already on my scrub suit for work para hindi na ako mag-abalang magbihis pa rito. It's easier than taking my time here just to change.

"Thank you," sabi ko kay Reeve nang sabihin niya pa ang iilang appointment para sa araw na ito.

Having him work as a receptionist wasn't a handful. Alam niya agad ang gagawin. What can I expect from him? He was a fast learner and he is already smart. Kahit siguro hindi ko na sabihin kung ano nga ba ang role ng receptionist sa clinic ay kuha na niya agad.

Pumasok ako sa aking opisina at inilagay ang aking bag doon. Lumabas din kaagad ako nang maalalang kailangan kong i-check ang record ng Gonzalo farm sa akin.

Lumapit ako sa desk ni Reeve. Mula sa pagbabasa ng mga files na nandoon ay inangat niya ang tingin sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa ngunit agad kong iniwas iyon dahil hinahanap ko ang record ng Gonzalo farm.

"Nasaa--

"Here," putol ni Reeve at inilahad sa akin ang folder na kaniyang binabasa. My lips parted a bit before I blinked. Kinuha ko sa kaniya ang folder na iyon pero nanatili ako.

I just want to check something para madala ko rin agad sa Gonzalo farm.

"Thanks," sambit ko kay Reeve at binuklat ang folder.

Kumunot ang noo ko dahil ang expected na panganganak pala ng baka nila ay sa susunod na buwan na. Binasa ko ulit at nakitang naka-annual booster pala iyon.

Napanguso ako at dahan-dahang ibinaba ang folder sa desk ni Reeve. Huminga ako nang malalim bago ako pumasok sa laboratory.

I opened the refrigerator to look for the vaccine for pregnant cows. I'll just administer it to boost their colostrum at kailangan din iyon para iwas scouring sa mga bagong silang na baka.

Inis na bumuntong hininga ulit ako bago lumabas ng lab at lumapit sa desk ni Reeve. Napatingin ulit ito sa akin. Pansin kong hindi na niya ginalaw ang folder na pinakialaman ko kanina.

I reached for the telephone as I pressed the telephone number of Gonzalo farm one by one. Inilagay ko sa aking tainga iyon at hinintay na may sumagot ng aking tawag.

"Hello?" Namaywang ako nang may sumagot na. Binalewala ko ang pagtingala ni Reeve sa akin at hinintay na may tumugon sa aking bati.

"Hello, Gonzalo farm."

"Si Doctor Segovia po ito. Magtatanong lang po ako kung check up lang ba ang kailangan? Sa susunod na buwan na po ang panganak ng baka, that's why they also need their vaccine against calf scouring."

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now