Kabanata 6

2.3K 91 9
                                    

Kabanata 6

High Wind and Waves

"Happy birthday, Ada!" bati ni Isidore at ibinigay sa akin ang isang paperbag na kulay pula.

"Salamat, Sid! Nag-abala ka pang magbigay ng regalo." Kinuha ko kay Isidore ang paperbag at ngumiti.

Twelve years old na ako ngayon. Medyo matanda na ng ilang buwan kumpara kay Isidore pero nakakatampo pa rin kasi hindi naman ako masyadong tumangkad. Kumpara sa kaniya, sa nakalipas na dalawang taon, tumangkad siya nang ilang pulgada pa. Pareho na kaming nasa unang taon ng high school ngayon.

"Minsan lang naman ako mag-regalo sa'yo. I hope you like it. Pinapili ko si Kuya kasi hindi ako masyadong magaling diyan." Nagkamot siya ng batok.

Mula sa regalo ay naibaling ko ang tingin sa kaniyang kuya na kakapasok pa lang sa aming bahay. Kumpara sa unang taon na nagkakilala kami, ngayon ay mas tumangkad pa si Reeve. Nasa balikat niya lang ang aking tangkad at si Isidore naman ay sa ilalim ng kaniyang tainga. Kung pagsasamahin kaming tatlo, talagang kawawa ako.

"Happy birthday, Little Ada." Ngumisi si Reeve nang makalapit sa akin. Kasabay ng kaniyang pagbati ay ang paglalagay niya naman ng kaniyang kamay sa ibabaw ng aking ulo.

Agad ko 'yong hinawi bago ako humalukipkip sa kaniya. "Salamat."

Mas lalo siyang ngumisi sa akin. "Cute pa rin ng height mo, huh?"

Lumalim lang ang simangot ko dahil sa kaniya. Alam ko naman na maliit ako, hindi na niya kailangang ipangandalakan na mas tumangkad na siya ngayon at mas malaki sa akin. Understandable naman iyon kasi nga mas matanda siya sa amin ni Isidore. Iyon nga lang, talagang nasa lahi na rin naman nila ang maging matangkad.

Inaya ko silang maupo muna. Sila lang naman ang bisita ko, maliban kay Mabel na kaibigan ko sa school.

"Uy, Isidore!" bati ni Mabel kay Isidore nang maupo na ito.

"Hello, Mabs! Good to see you here!"

Napangiti ako. Hindi ko akalain na papayagan ni Sir Julio si Isidore na lumipat sa public school ngayong high school na kami. Alam kong pampubliko ang aming paaralan at si Isidore ay nanggaling sa private school at alam kong nakakapanibago iyon. Pero si Isidore ay Isidore. Madali siyang makisama at mas marami pa nga siyang naging kaibigan kaysa akin.

Tinawag ko si Mama at sinabi na nandito na sina Isidore. Excited si Mama na lumabas mula sa kusina namin na bagong repair pa lang.

"Reeve! Isidore! Buti at nakapunta kayo." Ngiting-ngiti si Mama.

"Good afternoon po, Tita," sabay nilang bati kay Mama.

"Reeve, ang tangkad mo na! Ang gwapo pa!"

Umikot ang mga mata ko sa sinabi ni Mama. Dalawang taon na kami rito sa Arroyo at ang masasabi ko lang, nahatak ni Reeve ang atensyon ni Mama. Mas lagi kasi siyang nakikita ni Mama kumpara kay Isidore kahit na ang kaibigan ko naman talaga ay ang huli.

"Kamukha mo na ang Papa mo, Reeve." Tumawa si Mama at inaya ito sa kusina para kumain.

Sinundan ko lamang sila ng  tingin habang kinakausap ni Mama si Reeve. Inaya ko na lang din sina Isidore at Mabel na kumain na kasi baka lumamig ang pagkain.

Sinilip ko sina Papa sa labas na kasama ang iilang trabahador sa farm.

"Pa, kakain na po. Okay lang po ba kayo rito?" tanong ko.

"Dalhan mo na lang kami ng pulutan dito anak. Dito na lang kami sa labas," tugon ni Papa.

Tumango na lang ako at sumunod na sa kusina. Kumuha ako ng pinggan at nag-clip ng hiniwang baboy roon. Naglagay ako ng tatlo malalaki. Kumuha rin ako ng gunting para sila na lang ang bahalang maghati roon.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now