Kabanata 21

2K 88 4
                                    

Kabanata 21

High Wind and Waves

"Go Segovia! Go Segovia!" Naiiling na lamang ako sa mga kakilala kong todo ang sigawan para sa akin.

May kuntentong ngiti sa aking labi habang tinatanaw ang kahabaan ng track na tatahakin. Huminga ako nang malalim. Ramdam ko ang init mula sa nagbabagang araw. Ang sabi ko sa sarili ko, kung hindi man ako manalo ngayon, siguradong may susunod pa naman.

Wala namang nagsimula na nagtatagumpay agad. Lahat ay dumadaan sa hirap, sa pagkatalo, at sa pag-iyak. Dahil minsan, kahit ibinibigay natin ang lahat, sadyang idinadaan muna tayo ng Diyos sa mga pagsubok at may pagkakataong magdududa tayo sa ating sariing kakayahan. Itatanong natin sa ating sarili kong nababagay ba talaga ito sa atin...o kung nakatadhana ba talagang ito ang tahakin nating landas.

Simula ng sumabak ako sa pagtakbo, pinangarap ko ng makapaglaro sa Pambansa. Ito na ang pagkakataon ko. Marami na akong nalagpasang alam kong mas mabilis at mas may karanasan sa akin, ngunit iniisip ko na lang na nangangarap lang din ako...sumusubok.

Nilingon ko ang pwesto ni Reeve na nanunuod sa akin. Sa tangkad niyang iyon, kahit hindi ko na siya paghirapang hanapin ay makikita ko kaagad. Katabi niya si Isidore at si Mabel. Ang huli ay may hawak pang banner at may pangalan ko pa.

Ngumiti si Reeve sa akin. Bumulong siya sa hangin at kahit hindi ko man rinig, alam ko na ang katagang iyon.

'You can do it', aniya.

Tumango ako. Nang pumito na ulit ay inihanda ko na ang aking pwesto. Ibinalanse ko ang katawan at iniwala ang kaba. Ang tingin ko ay nasa unahan lamang habang inaalerto ko ang lahat ng aking pandama.

Nang pumutok ang hudyat, unang hakbang pa lang, itinatak ko na ang pangakong maipapanalo ko ito. Sa bawat takbo, sa bawat paghinga at sa bawat pagkurap, snigurado kong makakayanan kong umabot sa huli.

Wala akong panahon para bumagal dahil isang segundo lang na bumagal ako, papalya ako. Sinigurado kong hindi ako papalya sa puntong ito.

Sa muling pag-ikot ng mundo at pagtigil ko sa huling paroroonan, nakaramdam ako ng muling pagpasok ng hangin sa akin na tila ba binubuhay ang aking determinasyon. Bumukas ang lahat ng aking pandama at dinig ko ang hiyawan ng mga tao. Ramdam ko ang paghalik ng hangin sa aking namamasang balat at moy ko ang alikabok na dala ng hangin.

Huminga ako at mas lalong naging malinaw ang pandinig.

"Ada, ang galing mo!" rinig kong may sumigaw.

Hindi makapaniwalang lumingon ako sa pinanggalingan. Ako ang nauna sa pwesto at sumunod sa akin ang iilan pang atleta. Nalaglag ang aking panga dahil hindi ako makapaniwalang...sa lahat ng naging mabilis...ako ang pinakamabilis sa araw na ito.

Tumalon ako sa tuwa nang mapagtantong ako nga ang nauna sa finish line. Hindi ko alam kung saan pa ilalagay ang tuwa lalo na noong lapitan ako nina Coach at tinapik sa balikat.

"Congratulations, Ada! Palarong Pambansa na tayo!" Nakipag-high five si Coach sa akin.

"Coach, hindi ako makapaniwala!"

Humalakhak siya. "Ano ka ba? I always believe in you! Ang galing mo tuwing practice natin kaya hindi na nakakapagtaka iyon! You got the fastest record as of now!"

Kinagat ko ang aking labi. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko lalo na nang lumapit na sa akin sina Mabel, kasama ang boyfriend ko.

Agad akong inakbayan ni Reeve at hindi nabahala na basa ako sa pawis at babad sa araw. Idinikit niya pa ako sa kaniya at hinawakan ang aking ulo.

"Congratulations!" aniya at pinisil ang ilong ko.

"Congratulations, Ada! Pambato ng school 'yan sa Palaro! Wohoo!" si Mabel at itinaas pa talaga ang banner na dala.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant