Kabanata 23

2.1K 99 22
                                    

Kabanata 23

High Wind and Waves

"Okay lang iyan, Ada! You did your very best in the event. Hindi na masama ang fifth place." Tinapik ni Coach ang aking balikat nang lapitan niya ako. Nasa malapit na tent na ako at pinagpapahinga dahil tapos na ang aking event.

Nasa pang-anim ako sa Heats level ng event at nangyari iyon sa unang araw ng Palaro. Ang finals na ginanap ay kanina lang din natapos kaya sa unang araw palang, ay pwede na agad akong makapagpahinga.

Hindi na nga masama ang panlimang pwesto ngunit gusto ko talagang manalo. First time ko sa Palarong Pambansa at hindi ko akalain na ganito kalaki ang stadium. Ang tatangkad pa ng mga nakalaban ko at halata namang nakailang ulit na sa lebel na ito.

"Sa susunod ay mananalo na tayo, Ada. Okay lang iyan. First time mo pa lang naman at syempre kakabahan talaga," pampalubag-loob ni Coach at binigyan ulit ako ng maiinom na tubig.

Hindi naman masyadong mainit sa field pero pinagpapawisan ako. Pinunasan ko ang aking pawis at ininom ang tubig na ibinigay ni Coach. May iilang event pa maya-maya kaya manunuod na lamang muna ako kasama si Coach. Ang sabi niya, mas magandang mag-obserba muna. Ganoon rin ang ginawa ko kaninang umaga para mapaghandaan ang aking event. Swerte ko ng makapasok sa Final level.

Nang matapos lahat ng event ay agad kong tinawagan sina Mama. Hindi naman ako malungkot, pero hindi rin naman ako sobrang masaya. Alam kong excited ako at ginanahan, pero pagsabak ko kanina sa track at nakasama ang mga kalahok, pinangunahan din ako ng kaba.

"Hello, Ada? Kumusta ang event mo?" excited na tanong ni Mama. Hindi ko alam kung inaabangan ba niya ang tawag ko pero masaya ako na sinagot niya agad.

"Hello, Ma. Nasa panlimang pwesto ako sa final round. Sayang po eh, ang gagaling ng ibang kalahok."

"Okay lang iyan, anak. Nag-enjoy ka ba? Baka naman tinarayan mo ang mga kalahok kaya ka tinalo?"

Humalakhak ako. "Si Mama talaga! Ang babait nga nila kaya mabait din ako pero talagang magaling sila, Ma."

Nagtagal pa ang kwento ko kay Mama dahil hinintay pa namin si Papa. Inulit ko nang anunsyo ko sa kanila at medyo nagtagal din ang usapan.

Nang makabalik na kami sa lodging, nagbihis ako ng damit at nagpahinga. Inaya ako nina Coach na kumain na para makapagpahinga rin nang maaga.

"Hey. How was it?" tanong ni Reeve sa kabilang linya nang tumawag na ako sa kaniya.

"Fifth place ako eh," mababa ang tonong sabi ko.

"That's great! Congratulations, then. Bakit parang malungkot ka?" aniya pa. Narinig ko ang iilang galaw niya kaya baka nasa kwarto na rin siya.

"Eh fifth place. Makakaabot sana ako ng third eh," utas ko.

Tumawa siya sa kabilang linya. "Love, everything happens for a reason. Kung fifth place ka, then that means you have to do greater in the next. I'm sure you want to go back there, right?"

"Oo naman pero kung papalarin lang din. Baka may mas magaling na sa akin next year, ano!" Humalakhak ako at agad ding tumigil dahil napatingin ang kasama ko sa akin.

"Nah, you're the only Ada, alright? I'm still proud of you. Did you call Isidore?"

"Uh, hindi pa. Balak kong tawagan pagkatapos mo."

"Hmm, okay. Siya pala ang huli mong tatawagan?" aniya na parang tinutukso ako.

Napanguso ako. "Excited akong makausap ka kaya ikaw ang una kong tinawagan," unti-unti kong sinabi.

"It's okay. Call me later again pagkatapos mo sa kaniya? Or maybe tomorrow. Magpahinga ka na lang muna pagkatapos."

"Sigurado ka?"

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora