Kabanata 36

2.3K 90 10
                                    

Kabanata 36

High Wind and Waves

When you love someone, you have to let go of your inhibitions. There are things that are worth risking for but there are also things that you need to hold on to before you risk. When Reeve came back, I only thought of one thing--that is to stay away from him. Pero sadya nga naman talagang maliit at bilog ang mundo dahil may mga bagay na maglalapit sa aming dalawa.

I never really dreamed of meeting Reeve again. After all these years, all I felt was anger and hate. Part of it was because he left me without hearing my explanation pero ang isa pang rason kung bakit ayaw ko na siyang makita pa ay dahil sa naging dulot ng kaniyang pag-alis. A lot of farm workers were devastated as they lost their job. That's why seeing Reeve right now, trying to make it up for it, just made my anger melt.

Hindi ko inakalang magbabago si Reeve. I never thought that he'd stay. I never thought that living a life with him again just makes it easier. I thought that when he stays here, gagawa siya ng paraan para makaalis. Who would have thought that the great Revezar Camporazzo would stay and humble himself to the people around him? Finally, I had seen it.

I smiled upon seeing him helping the farm workers with the workloads. May ani ng palay sa kabilang banda at tumutulong siya sa pagbubuhat doon. He got to maneuver the equipment being used at attentive siya masyado sa itinuturo sa kaniya. It won't be hard for him to catch up because he's a pilot. He deals with machines, too.

Kumaway si Kuya Enteng sa aking direksyon dahilan para mapalingon din si Reeve. Itinaas ko ang aking kamay at kumaway sa kaniya. I saw him smirked and smiled at me. Tinulak siya sa balikat ni Kuya Enteng at nagtawanan sila.

Napailing na lamang ako. I went to the bench under the shade of the mango tree. Nag-iisang puno iyon sa farm na malapit sa palayan at madalas ng ginagawang pahingahan ng mga trabahador. I was with their wives, who carried baskets of goods for their husbands. Ang tanging dala ko kay Reeve ay isang lunchbox ng vegetable salad na ginawa ko.

I shrugged. I am a vegan. He can't do anything about it. Kung ayaw niya, eh di ako ang kakain. First time kong gumawa nang ganito para sa kaniya kaya pagpasensyahan niya na. He tried to pursue someone who's a vegan so he needs to deal with it.

"Ang ganda ng kutis mo, Doc. Ano ang sikreto mo?" tanong ng isa sa mga babaeng kasama ko.

Nagtawanan sila dahil sa tanong na iyon. I laughed too.

"Gulay lang po. Hindi na po kasi ako kumakain ng karne kaya po baka ganoon."

Namilog ang mga mata nila sa aking sinabi. "Talaga, Doc? Eh aba'y lagi ko ng ipagluluto ng gulay ang mga anak ko para naman gumaya sa inyo!"

They laughed again. I told them it's better to start the kids with vegetables as early as possible. May iilan kasi akong kakilala na ayaw ng gulay dahil lumaki silang hindi palaging pinapakain nang ganoon. When I was younger, dahil kapos din naman kami, laging gulay ang uwi ni Mama mula sa palengke at isda kaya nasanay na rin kami.

"Mukhang maganda ang pinag-uusapan niyo ah!" Natigil ang tawanan ng kababaihan nang lumapit na ang iilang nagta-trabaho sa aming pwesto.

Napalingon ako upang hanapin si Reeve. Nakasunod siya sa kanila at nasa hulihan. He was wearing a sage green long sleeved shirt and a pair of maong pants. May iilang hibla ng dumidikit sa kaniyang pantalon at hindi niya inaalis iyon. The buri hat that was on his head looks weird on him. Mas bagay sa kaniya 'yong cowboy hat.

Lumiwanag ang mukha niya nang makita na ako roon. I was seating on the bamboo-made bench. Okupado na ng iilan ang espasyo kaya hindi rin naman makakaupo ang lahat. Reeve remained standing. Ang tingin niya ay nasa akin lamang.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon