Kabanata 15

2.2K 100 4
                                    

Kabanata 15

High Wind and Waves

Tinitigan ko ang natuyong bulaklak ng rosas na nasa kwarto ko lang. Balak ko sanang itapon para mawala na ang kalat sa kwarto pero may naisip akong ideya para naman hindi masayang iyon. Mukhang mahal pa naman ang pagkakabili ni Reeve na alam kong galing lang din sa pera ni Sir Julio kinuha.

Kahit anong taboy ko kay Reeve ay hindi siya tumigil sa pangungulit sa akin. Mas lalo lang siyang nagpursige sa panliligaw sa akin nang nagpaalam siya kay Sir Julio na manliligaw nga. Ginawa pa 'yong pagpapaalam niya nang minsang bumisita ako roon.

"Hinding-hindi na talaga kita sasagutin!" Inis kong sabi kay Reeve nang makawala na ako room sa mansyon nila at naglakad na papuntang farm.

"So may balak kang sagutin ako?" hirit niya.

"Syempre, wala akong balak!" Parang toro na sa inis ang mukha ko. Siguradong hindi na mapipinta ng kahit sino.

Kahit naman ilang beses pa siyang magpaalam ay hindi ko siya sasagutin. Malinaw pa sa tubig na ang gusto ko nga ay si Isidore. Wala akong balak na magkagusto sa katulad niyang laging sinisira ang araw ko.

"So sino ang balak mong sagutin? Si Sid? Where is he now, then? He's not here and to tell you what, Little Ada, my brother likes me for you."

"Syempre kasi nilason mo na ang utak ni Isidore. Malamang sa malamang hinipnotize mo siya kaya di na niya ako gusto ngayon."

Sunod-sunod ang akyat ko sa pataas na farm. Sunod-sunuran din ang yabag ni Reeve sa akin.

"'Na niya', Ada? My brother never liked you. Not in a million years." Natatawa siya.

"Pwes, hihintayin kong matapos ang million years na iyan."

Napabuntong-hininga ako at sinikop sa mga palad ang natuyong petals ng bulaklak. Balak kong idikit na lang sa mga libro dito sa bahay para maiwan ang bango o di kaya iipunin ko muna hanggang sa dumami para may magamit ako sa scrapbook.

Napatawa ako.

Iipunin para dumami? So inaasahan ko talagang magbibigay pa sa susunod na araw si Reeve at tatanggapin ko?

Ni minsan ay hindi pa talaga ako naliligawan kahit na noong elementary pa lang. May mga kaklase akong lalaki na pabirong nagbibigay ng bulaklak tuwing Valentine's day at hindi naman iyon panliligaw. Ipinamimigay ko nga lang iyon.

Kung tutuusin, pwede ko rin namang ipamigay itong bigay ni Reeve kasi hindi ko naman siya gusto. Kung bakit ko pa ito inipon sa kwarto ko ay hindi ko alam. Siguro ay bored lang din ako at talagang idinisplay ko pa talaga.

"Ada, nandito na si Reeve." Katok ni Mama sa aking kwarto. "Huwag mong paghintayin."

"Wala po akong lakad ngayon, Ma. Paalisin mo," balewala kong sabi.

"Adamaris Segovia, hindi kita pinalaking bastos! Lumabas ka riyan at harapin si Reeve dito." Lumakas ang katok ni Mama sa aking kwarto.

Napa-ismid ako at iniwanan ang mga petals na nagkalat sa maliit na cabinet ko. Dumiretso ako sa pintuan at agad na binuksan iyon.

Inakala kong si Mama ang unang bubungad sa akin, ngunit ang nakangising mukha ni Reeve ang naging kilabot ko ngayong araw.

Napatalon ako sa gulat at nabitawan ang pinto. Lumawak ang bukas nito kaya malayang inilakbay ni Reeve ang kaniyang mata sa aking kwarto.

Tumaas ang sulok ng labi niya nang matuon ang kaniyang pansin sa aking likuran. Kumunot ang noo ko. Mayabang siyang sumandal sa haligi ng pinto nang patagilid habang ang tingin ay nagmamalaki.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now