Kabanata 28

2.3K 111 4
                                    

Kabanata 28

High Wind and Waves

Ang mga sumunod na araw ay maayos naman. I had been civil with Reeve, if that's what I call it. He's doing a great job as the receptionist that's why I am also doing my own job of teaching him some of the duties at the farm.

Kung wala namang appointment ay sinasabihan ko siyang makikisalamuha kami sa ibang workers. I had my father taught Reeve about his work, especially on the stables. Doon na nakatoka si Papa at hindi na rin naman siya umalis sa farm, simula noon. Siguro, nakuha nga talaga ni Papa ang tiwala ni Sir Julio, kaya hindi rin siya mapa-alis alis ng huli. Which was a good thing too because we had a tough time ever since I went to college. Malaki ang kakailanganing pera at hindi rin naman ako nakakuha ng scholarship dahil hindi ko maipasa-pasa ang mga exams. Luckily, when I went to VetMed, I was able to pull myself up and gather myself together. Sa tulong ni Isidore, nagsumikap akong mag-aral at matuto. I was a step closer to my dream job and I knew, I shouldn't disappoint the people who supported me.

Gladly, I was able to graduate. Hindi ko inaasahang makakakuha ako ng Cum laude. I guess, it's just a matter of learning and not giving up on my dreams.

"Nagtitipon kami ng dayami para sa lahat. Kadalasan po, katapusan ng linggo kami nagtitipon at reserba po iyon sa susunod na linggo. Simple lang naman po. Pwedeng mismong kamay ang gamitin sa pagbubuhat at paglilipat, mayroon din pong sako na lalagyan para mas madali po, Sir. Yun nga lang, sanay na po talaga kami na kamay ang ginagamit kasi madali at mabilisan," kwento ni Mang Juni na ngayon ay nagtitipon ng dayami di kalayuan sa farm.

Hindi sapat ang dayami na pino-produce ng farm kaya minsan, bumibili kami sa ibang taniman kung mayroon man sila. We also order at other farms away from Marina if the stock is in critical level. Kailangan iyon ng mga hayop kaya kailangang mayroon palagi rito sa farm.

"Can I help today, then?" tanong ni Reeve.

Tumawa si Mang Juni. "Naku, Sir! Huwag na at baka mangati kayo. Mukhang sensitibo pa naman po ang balat ninyo."

"I just want to try it. Kung kaya ko naman at hindi ako mangangati, then I'll help," alok ni Reeve.

Napakamot sa batok si Mang Juni. Nanunuod lamang ako sa kanila at ayaw ng mangialam pa. Hindi ko naman pipigilan si Reeve kung talagang gusto niyang gawin iyon. After all, he needs  to learn how the farm works so he'll be able to manage it well. Kung kinulang sa tao, kailangang siya ang magpuna ng posisyong kulang. That's how it works. Ang boss ay hindi palaging boss, kasi nagsisimula rin naman sa mababang posisyon ang mga boss. Hindi lahat ay umaangat agad.

"Doc, hindi niyo po ba pipigilan si Sir?" tanong ni Mang Juni.

Napatingin si Reeve sa akin, mukhang hinihintay rin ang desisyon ko. Napanguso lang saglit ang labi ko at agad na umiling.

"Iyan ang gusto niya Mang Juni, kaya hayaan niyo na. Hindi ko naman po kayo sisisihin kung mangati iyan mamaya," sabi ko at humalukipkip na lang.

Hindi naman masyadong mainit kaya kayang-kaya na iyon ni Reeve. Alam kong hindi siya sanay sa trabaho rito kaya may hinala rin akong mangangati siya sa dayaming didikit sa kaniya.

Pero choice niya na iyon. Binalaan na siya kaya hindi ko na rin kasalanan iyon.

Nagkibit-balikat na lang ako.

Pinanuod ko ang pagtuturo ni Mang Juni kay Reeve kung paano humakot ng dayami gamit ang kamay. Pati sa pagbubuhat ay idinemonstrate iyon ni Mang Juni hanggang sa makuha ni Reeve kung paano gawin iyon.

Naupo lang ako sa naputol na malaking sanga ng kahoy na nakahiga sa lupa. I watched Reeve as he struggled on carrying the hay as he gathered a lot of them.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now