Kabanata 34

2K 89 16
                                    

Kabanata 34

High Wind and Waves

Nagkatitigan kaming dalawa ni Isidore. After I dropped the bomb, we became silent again. Hindi ko makitaan ng gulat ang kaniyang mga mata at parang inaasahan niya ng gagawin iyon ng kaniyang kapatid.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya. "I tried to stop him, Sid. Ayaw kong magkagulo kayong dalawa."

"Do you still love him, Ada? Kung sinabi ni Kuya na mahal ka pa rin niya, sasabihin mo rin bang mahal mo pa rin siya?"

"What?" Inangat ko ulit ang tingin sa kaniya. "Sid, hindi ko na nga mahal si Reeve." I tried to make my point.

"But when he started pursuing you, you've been having feelings for him," he concluded.

Iniwas niya ang tingin sa akin. "I don't think you'll understand. Baka nang dahil sa galit mo sa kaniya, natabunan na ang nararamdaman mong iyon."

Ibinalik niya ulit ang tingin sa akin. "Did he talk to you? Did he apologize? Kasi sigurado akong ginawa niya iyon para mapaniwala ka ulit."

"He did, but Sid, hindi naman gano'n ang Kuya mo ngayon. I can totally say that Reeve's trying to make it up for us. Kahit sa'yo but you wouldn't let him now. Kasi nandito ako, and as long as I am here and as long as you both have feelings for me, hindi na magiging katulad ng dati ang relasyon ninyong magkapatid."

"He's just trying to fool you, Ada. It's for revenge, kasi diba sinabi kong pinlano ko ang lahat? Did he try to tell you that too?"

Tumango ako. "I told him it wasn't true and——

"Kuya won't believe you, Ada." Umiling si Isidore. "Nagpapanggap lang siya na naniniwala sa'yo. He's just trying to fool everyone at iiwan ka rin niya kapag nakakuha siya ng pagkakataon o kapag nakuha na niya ang kaniyang gusto."

Kinakabahan ako kay Isidore. His words spit anger and jealousy. It was evident. Ang kaniyang mata, nababasa ko ang pagseselos doon. It was even beyond jealousy kaya hindi ko rin pinaniwalaan ang mga sinabi niya. Kasi kung naghihiganti lang naman si Reeve, bakit kailangan paabutin niya pa ng apat na buwan bago niya sabihin sa akin ang lahat? Reeve could have done it earlier so that he could pursue me earlier.

I don't think Reeve could do it. Napakabata pa namin noon. Hindi kailangan ng paghihiganti para lang sa bagay na iyon. Reeve is mature enough to understand it. Isip-bata na lang siguro ang mag-iisip na maghigante sa ganoong kalseng sitwasyon.

Lumapit sa akin si Isidore. Staring at him right now, I don't think this is the Isidore that I knew. Ibang tao na ang nakikita ko. I don't think that talking to him will help. Sarado na ang utak niya.

Lumuhod siya sa aking harapan. When he held my clasped hands, I wanted to pull them away from him. Hindi ko ipinakitang takot ako sa kaniya. I don't want him to think that I don't understand him. Alam ko kung saan nanggaling ang galit at pagseselos na iyon and as much as possible, I'd like to understand him more because he is my best friend.

"Ada, just let Kuya pursue you. And when the times comes, ikaw ang dapat na sumira sa kaniya. Don't let him break you. Break him instead," seryosong aniya sa akin. His gentle face that I've come to love was gone. Lahat ng iyon nagbago na. The way he stared at me, kahit na may pag-iingat, nakikitaan ko iyon ng takot.

Dahan-dahan akong tumango kahit na nalilito na sa kaniya. Kailangang ipakita kong pinagbibigyan ko siya sa kaniyang gusto para hindi na lumala pa.

"Of course.  Kung paghihiganti lang din naman pala ang gusto ni Reeve, sige, ibibigay ko iyon sa kaniya. It's just easy to so, Sid." Hilaw akong ngumiti.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon