Kabanata 24

2.1K 94 8
                                    

Kabanata 24

High Wind and Waves

Hanggang ngayon pala, sariwa pa rin sa akin ang nangyari noon. I thought I couldn't moved on from Reeve, lalo pa at palaging kasama ko si Isidore.

Bali-baliktarin man ang mundo, hinding-hindi ko maiiwasan ang isa sa kanila. A few months after I stayed away from Isidore, I found myself being friends with him again. Sa totoo lang, kung mahal naman talaga ako ni Reeve, hihintayin niya ako o makikinig man lang sa sasabihin ko. Magtatanong siya kung totoo ba ang sinabi ni Isidore sa kaniya. Hindi siya magpapadalos-dalos pero...sadyang ipinakita niya na mababaw lang ang nararamdaman niya sa akin.

At napatunayan ko rin na mababaw lang ang nararamdaman ko sa kaniya. Agad kong nakalimutan ang sakit na iyon at ibinaling ko ang atensyon sa ibang bagay. I tried so hard to improve myself without looking back to that young Ada who's still waiting for Reeve to come back. Ibinaon ko na ang imaheng iyon ng sarili sa hukay.

Sinubukan ko ulit na ibalik ang nararamdaman ko kay Isidore, at kahit pa sinubukan niyang manligaw sa akin...hindi ko na maramdaman ulit ang kiliting hatid ng kilig sa akin. I told Isidore that we can only stay as friends and as of the moment, that's the only thing that I could offer him. Hanggang sa magsama kami sa VetMed, wala na akong naramdaman pa sa kaibigan.

I can only see Isidore as a friend and a brother. I am still aware that he likes me...or still loves me kaya lang, ayaw ko namang umasa rin siya sa akin. Maybe, it's a good thing that he built his own clinic near the Costa, para kahit papaano, maibaling niya ang atensyon sa iba. Maybe, he could a find a girl there——a girl that could give him all her attention.

"Adamaris, there you are!" Pumainlang ang boses ni Sir Julio sa handaan habang papalapit siya sa aming table.

Nasa tapat ko pa rin si Reeve at natahimik na matapos kong sabihin ang katagang pinipigilan kong umalpas sa mga labi ko.

"Hello po. Good evening." Tumayo ako para mag-mano pero agad niya rin akong pinigilan.

"You don't need to do that, Ada. A greeting is fine." Nalipat ang tingin niya sa anak. "I see that you're with Reeve here. Nagkita raw kayo kahapon?"

Ngumiti ako. "Opo. I was helping with Mikay's labor."

"Very good job on that, Ada. Talagang maaasahan ka sa ganitong trabaho." Tinapik nito ang aking balikat.

Si Tita Letitia ay lumapit din sa akin. Humalik ako sa pisngi nito.

"You're looking good tonight, Ada." Ngumiti si Tita.

"Kayo rin po, Tita."

Lumundag ang tingin ko kina Mama na nakasunod pala. Tuwang-tuwa siya nang makita na si Reeve at talagang niyakap pa ito.

Mapait akong ngumiti. Naalala kong nalungkot talaga si Mama nang umalis si Reeve. Ang alam ni Mama ay umalis si Reeve papuntang Maynila. Sinabi kong break na rin kami para hindi na niya itinatanong sa akin kung kumusta na ba si Reeve. Walang tigil siya sa pagtatanong, ngunit isang araw, bigla na lang din siyang tumigil. Akala ko magagalit siya kay Reeve kasi umalis ito pero hindi...heto nga at mukhang tuwang-tuwa pa.

"Ang laki mo na! Ang gwapo rin!" Si Mama sabay haplos sa pisngi ni Reeve. Nakangiti ang huli at nakatingin din sa Mama ko.

"Ma," mahinang suway ko. "Nakakahiya."

My mother raised her brows at me. "Walang nakakahiya sa ganito anak," aniya at bumaling kay Reeve. "Natatandaan mo pa ba ako?"

"Tita Lourdes," ngumiti si Reeve. "Nice seeing you again, Tita. It's...been a while."

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon