Kabanata 5

2.5K 99 17
                                    

Kabanata 5

High Wind and Waves

Basang-basa ako nang bumalik na kami sa farm. Busangot ang aking mukha habang nasa unahan ni Reeve na ngayon ay basa rin ang damit. Nang bumagsak ako kanina sa tubig ay naabot siya ng malalaking talsik kaya nabasa ang pang-ilalim na suot.

"Kapag ako nagkasakit, ikaw ang sisisihin ko!" sambit ko habang papalapit na kami sa farm dahil nanginginig ako sa lamig.

"What? It's not my fault Little Ada! You're just clumsy, admit it."

"Clumsy? Hindi ako clumsy!" giit ko kahit hindi ko naman maintindihan 'yong sinabi niyang salita.

Bakit ba ako ini-English ng mga ito? Naiintindihan ko 'yong iba sa kanilang sinasabi kasi inaaral naman 'yon sa school. Talagang minsan mahina lang ang pang-intindi ko.

"If you say so..." ganti ni Reeve at mukhang wala na ring pakialam.

Mas lalong lumalim ang simangot ko lalong lalo na nang makababa na kaming dalawa sa kabayo. Nandoon na si Papa at mukhang hinahanap ako. Agad na lumapit si Papa sa akin nang makitang halos 'di ako makagalaw sa lamig.

"Ada! Bakit basang-basa ka?" si Papa.

"Tito Manny, I'm sorry po. Dinala po namin siya roon sa creek," pinangunahan ni Isidore iyon.

"Natapilok po siya roon sa bato at bumagsak sa tubig kaya po siya basa." Si Reeve ang tumapos ng sasabihin ni Isidore.

"Ganoon ba?" Bumaba ang tingin ni Papa sa akin at nagpakawala ng hininga. "Sa susunod kasi ay mag-ingat ka Ada. Paano 'yan? Kailangan mong umuwi ngayon kasi wala kang dalang damit."

"She can borrow my clothes, Kuya Manny. Kasya iyon sa kaniya," singit ni Reeve na ikinasalubong naman ng aking kilay.

Lumingon ako sa kaniya. "Huh?"

Dumapo ang tingin niya sa akin. "I said you can borrow my clothes, para hindi na kayo umuwi ng Papa mo. Isidore wants you to visit the mansion, right? So it's your chance, too."

Ah, ganoon pala 'yon. Eh bakit kailangan kong humiram ng damit sa kaniya? Pwede namang damit ni Isidore na lang ang ipahiram sa akin. Sigurado ako na kakasya rin naman sa akin.

"Sigurado po ba kayo, Sir?"

"Opo. Isasama na lang po namin si Li—Ada papunta sa mansyon."

Pumayag naman kaagad si Papa kay Reeve. Isinama nga nila ako papuntang mansion na dalawang beses ko na ngayong mapupuntahan kung saka-sakali.

Agad kaming dinaluhan ng isa nilang kasambahay nang nasa entrada na kami ng mansyon. Hindi kami pumasok agad. Nag-utos si Reeve na kumuha muna ng towel para sa akin. Buti naman at napansin niyang nilalamig ako sa suot kong damit! Baka talagang sisipunin ako nito kapag nagkataon.

"Are you okay, Ada? Are you still cold?" magaang tanong ni Isidore sa akin. Ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala nang ibalot ko ang tuwalya sa aking katawan.

"Okay lang. Salamat!" Ngumiti ako para ipakita na ayos lang ako. Buti at nabawasan ang panginginig ko sa lamig. Kung sana ay mas maaraw ngayon, baka kanina pa natuyo ang damit ko.

Si Reeve ay lumitaw mula sa kung saan dala ang mga damit na siyang pagpapalitan ko.

"Come on. There's a common bathroom in here," aya niya sa akin. Mukhang mabait siya ngayon. Aba, dapat lang! Talagang sinisisi ko siya kung bakit ako nabasa. Kung hindi ba naman dahil sa kaniya ay hindi naman ako susuong sa tubig at gaganti.

Pero sadyang hindi lang ako nag-iingat.

Iniwan ko si Isidore sa may garden nila at sumunod kay Reeve na hanggang ngayon ay dala-dala ang mga damit.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now