Kabanata 13

2.1K 101 12
                                    

Kabanata 13

High Wind and Waves

"Ada," sambit ni Isidore sa pangalan ko. Napalingon ako sa kaniya, nagtatanong ang mga mata.

"Ano?"

Kinagat ni Isidore ang labi at mukhang nag-iisip pa kung sasabihin niya ba o hindi.

"Ano nga, Sid?" tulak ko dahil mukhang importante iyon.

"Did my brother tell you something?"

"Ano naman?"

"Like he likes you or some sort of things like that?" Napigil ko ang hininga sa kaniyang tanong. Napakurap ako dahil hindi ako makapaniwalang nabanggit iyon ni Reeve sa kaniya.

"Ano...oo?" Hindi ako sigurado. Hindi na rin naman nangulit si Reeve.

"He did?" Namilog ang mata ni Isidore. Tumango ako kahit na hindi ko naman alam na seryoso talaga si Reeve doon. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya para magustuhan ako.

"Oh." Bumaba ang tingin ni Isidore sa notebook niya. Kumunot naman ang noo ko dahil biglang lumungkot ang mukha niya.

"Bakit, ano 'yon?" Hindi ko mapigilan ang pagtatanong. Bakit kaya bigla na lang siyang naging malungkot?

"Nothing, Ada." Bumuntong hininga siya. Bumagsak ang balikat ko sa pagbabakasakaling may sasabihin siyang importante o di kaya'y aaminin sa akin.

Hilaw akong ngumiti. Ano naman kaya ang aaminin ni Isidore? Na gusto niya ako? Napaka-imposible naman ng bagay na iyon. Hindi ko naman napapansin ang kakaibang tingin niya sa akin. Kasi diba kapag may gusto ka sa tao, talagang titingnan mo sila? Ako kasi, ganoon ako kay Isidore. Minsan nadidismaya ako sa tuwing lapit nang lapit siya sa ibang babae sa classroom namin, lalong-lalo na kay Fia na matalino rin. Siguradong bagay sila kapag nagkataong magkagusto nga si Isidore sa kaniya.

"Do you like Kuya, Ada?" agad na tanong ni Isidore matapos ang katahimikang namagitan sa amin.

Inangat niya ang tingin sa akin. Seryoso na iyon.

"Hindi, Isidore. Hindi ko gusto ang Kuya mo." Ngumiti ako. "Ano ka ba? Sobrang layo ng agwat namin ng Kuya mo. Isip-bata pa ako at siya...alam mo na?"

"But what if he starts courting you? Will you like him back? Papayag ka bang maging girlfriend niya?"

Alam ko namang imposibleng ligawan ako ni Reeve. Binalaan ko na siya na noon na hinding-hindi ako magkakagusto sa kaniya. Sinabi ko kay Reeve na wala akong balak na maging girlfriend niya.

"Hindi ko alam," alanganin kong sagot. "Sigurado naman ako na titigil ang Kuya mo kapag sinabing ayaw ko. Bakit? Sinabi niya bang manliligaw siya sa akin?"

"No. He just told me he likes you and he wanted to get my permission."

"Permission?" usisa ko pa. "Para saan naman?"

"To court you, I guess? Look, Ada, you're my best friend and you know what? if Kuya likes you, I'd be glad to know that." Ngumiti si Isidore at tumanaw sa malayo. Parang ang saya ng ngiti niyang iyon.

"If he courts you and you'll like him, I'd be glad, Ada. Kuya will have a reason to stay here. Ayaw kong umalis ang Kuya ko, Ada. Even though he doesn't like it here, I hope he finds one reason to stay here. I want him to stay here for the reason that he likes it. At kung ikaw nga ang nagpabago sa kaniyang pananaw, then I'm glad that he could have you."

Tumingin siya sa akin. Hindi ko alam pero...parang nagmamakaawa ang mga mata niya sa akin. Nakangiti siya pero bakit naman nakakaramdam ako ng lungkot sa ngiting iyon? Masaya nga ba siya sa gano'n? Oh baka malungkot lang siya kasi iniisip niyang kapag wala naman talagang mas magandang rason para manatili, aalis talaga si Reeve. Pigilan man o hindi ng ama nila. Nakakalungkot lang na pati si Isidore ay naaapektuhan sa mga desisyon ng kanilang ama o ni Reeve.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now