Kabanata 19

2K 101 13
                                    

Kabanata 19

High Wind and Waves

Totoo nga siguro ang sinasabi nilang ang mayaman ay para lang sa mayaman. Dahil kapag nangarap ang isang mahirap na magmahal ng isang mayamang tao, tatawagin kang ilusyonada o ambisyosa. Kapag ipinagtabi, makikita kung gaano ba sila kalayo sa isa't isa. Kaya hindi na rin ako magtataka kung marami ang magtataas ng kilay sa akin sa tuwing nababanggit ako kasama sa pangalan ng Camporazzo.

Malaki ang pangalan nila sa Arroyo. Tinitingala dahil sa matagumpay na business at pamamalakad. Mas lalo pang tinitingala dahil may mga anak na matalino at umaangat sa school.

Kaya habang tinitingnan ko si Isidore na hawak ang kaniyang medalya, hindi ko maiwasan ang mainggit o ikumpara ang sarili sa iba. Iniisip ko na kapag siguro matalino ako kahit mahirap, hindi ako masyadong mamaliitin ng mga tao. Pwedeng-pwede na akong idikit sa kanila kasi matalino naman at may ibubuga ang utak kahit na hindi mayaman.

"Ada," tinawag ako ni Tita Letitia na katabi lang si Isidore. "Come here and take a picture with Sid. Pareho kayong tapos na sa first year."

Nahihiya man ay lumapit ako at tumabi sa kaibigan. May munting salo-salo pagkatapos ng recognition sa school, wala naman akong award na kahit ano at ang mga ribbon na award noon sa elementary ay wala na rin naman sa high school.

"They got bigger medals than St. Jo, Ada." Tumawa si Sid sabay pakita ng medalya niya.

"Mabigat?" tanong ko.

"Hindi naman. Just a normal weight on my neck. Do you want to try it?"

"Naku, hindi na no." Tumawa ako at umiling. Humarap na ako sa camera nang tawagin kami ni Tita Letita para kumuha ng litrato.

Dalawang kuha iyon bago ako lumayo kay Isidore. Ngiting-ngiti ako nang mag-congrats ulit sa kaniya. Siya ang nasa paunang pwesto sa aming batch. Ang kaniyang gustong si Fia ay nasa ikatlong pwesto. Himala nga at hindi ko iyon nakita sa munting salo-salo rito.

"Little Ada." May humawak sa aking balikat nang kumukuha na ako ng pagkain. Sa tawag palang na iyon ay alam ko ng si Reeve at mangungulit na naman.

Naalala kong sinabihan ko siyang tumigil na sa panliligaw sa akin. Sinabihan ko siyang gusto siya ng kaibigan niyang Maliya at kung pwede ay doon na lang siya manligaw. Pero hindi siya pumayag. Nagalit pa nga sa akin.

Bumuntong-hininga ako. Binitawan ko ang clip ng lumpia at nilingon siya. Ilang linggo na simula ng iwasan ko siya dahil ayaw ko ng madikit pa sa kaniya. Hindi ako gaanong umiiwas kay Isidore kasi kaibigan ko naman pero naglilimita pa rin ako. Ayaw kong may masabi rin ang iba sa akin na inaagaw ko si Isidore kay Fia (kahit hindi naman siya boyfriend nito). Umiiwas na lang din ako sa gulo dahil kapag nadawit pa ang pangalan ko, siguradong ako lang din naman ang papagalitan nina Mama.

"Ano naman ang kailangan mo sa akin?" tanong ko. Ngayon na lang ulit kami nagkita. Bumibisita naman siya sa bahay pero hindi ako lumalabas. Pinapagalitan ako ni Mama pero nagmamatigas ako.

"Nothing. I just want to see you." Ngumiti siya na para bang hindi ko siya ilang ulit na iniwasan.

"Okay." Tinanguan ko at bumalik na ulit ang atensyon ko sa pagkain.

Gutom na ako. Hindi ako kumain ng tanghalian para sa meryendang ito.

"Okay?" habol ni Reeve. "Then, is it okay if I take you somewhere now?"

"Hindi pa rin. Sinabi ko na diba? Ayaw kong manligaw ka sa akin. Malinaw naman iyon sa simula palang."

"Is it because of Maliya? I don't even like her, Ada," desperadong aniya.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon