Kabanata 16

1.9K 89 14
                                    

Kabanata 16

High Wind and Waves

Mabilis lang ang pagrolyo ng panahon. Hindi ko namalayang Disyembre na at kaarawan na naman ng dakilang mayabang na si Reeve. Taon-taon naman siyang nagdiriwang ng kaniyang birthday, at simula ng dumating kami rito ay lagi akong nakakadalo. Dahil nga si Sir Julio palagi ang nasusunod, lahat ng trabahador sa farm at sa Campo ay palaging imbitado sa kaniyang kaarawan. Hindi na ako magtataka palagi kung bakit maraming tao.

"Happy birthday," bati ko nang makalapit na sa kaniya. Kararating lang namin nina Mama. Buong pamilya kami.

"What's with the sad face, huh?" tumaas ang sulok ng labi niya. "Ayaw mo bang tumanda na ako?"

Mas lalo akong napa-ismid. "Kapal mo, huh. Binabati lang kita, dapat magpasalamat ka na lang."

Tumawa siya at ginulo ang buhok kong ilang beses ko ng inayos. Ginawaran ko siya nang masamang tingin at tinampal ang kaniyang kamay.

"Thank you, Little Ada. That's so sweet of you."

"Alis na ako. Kakain," sambit ko.

"Samahan na kita."

"Huwag na. Doon ka sa mga bisita mo. Nakakahiya sa kanila," pigil ko dahil nakita kong nag-aabang ang iilan niyang kaklase roon na galing sa private school.

Ang puputi ng kutis! Akala mo naman ay hindi galing sa maaraw na probinsya. Kung sa bagay, mayayaman naman sila. Afford na afford nilang bumili ng kahit anong pampaputi.

Nilingon ni Reeve ang mga kaibigan. Halos lalaki ang naroon at may magagandang babae rin. Hindi ko alam na sa kaniyang barkada ay may mga babae. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako nang malaman iyon.

Pero si Isidore nga ay may kaibigang babae at ako iyon. Syempre, pwedeng mangyari rin iyon kay Reeve kaya dapat ay hindi ko na iyon ipinagtaka.

"Balik lang ako," paalam niya roon. Nakita ko ang pagsimangot ng isa sa mga babae roon. Nakatingin lang naman ako sa kanila kahit na narinig na ang sinabi ni Reeve.

"Nasaan ang parents mo?" aniya sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"Sabing kaya ko na," giit ko. "At nandoon lang sa bulwagan sina Mama. Si Isidore?"

"I don't know. Might be upstairs. Dumating ang mga pinsan namin kaya sinamahan niya muna."

"Talaga? Nandito sina Sally?" Namilog ang mata ko.

"No, not Sally. Just Eron and Mich."

Bumagsak ang balikat ko. Gusto ko pa namang makita sina Sally kasi noong nakaraan ay nandito sila. Taon-taon naman silang nandito kaya naging ka-close ko agad. Hindi maarte kahit na laking Maynila.

Sinamahan ako ni Reeve sa pagkuha ng pagkain kahit na ilang beses ko siyang tinaboy. Hinayaan ko na lang din na sumunod pero hindi ko hinayaang maglagay siya nang maglagay ng kahit anong pagkain sa pinggan ko.

"Hindi ka pa ba kumakain?" tanong ko kasi panay ang kuha niya.

"No. I was waiting for you."

"Maniwala ako. Kumakain na nga mga kaibigan mo tapos ikaw, hindi?"

"Well, I was really waiting for you. I was just talking to them." Nilingon niya ako. Iniwas ko naman ang tingin sa kaniya at kumuha ng iilang puto.

"Bumalik ka na roon pagkatapos ko. Nakakahiya sa kanila na hindi mo sila kinakausap."

"I always see them at school, Little Ada. Ikaw, tuwing Sabado at Linggo lang, napipilitan ka pa," boses nagtatampo siya.

"Sino ba naman kasing nagsabi sa'yo na ligawan mo ako, aber?" Nilingon ko ulit siya at pinagtaasan ng kilay. Hindi ko alam kung ano talaga ang nakain nito at nililigawan ako. Halata namang hindi ko siya sasagutin o magugustuhan man lang.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant