Kabanata 2

4.2K 141 28
                                    

Warning/Note: Hello! Ang susunod po na kaganapan ay ang nakaraan which means it will be on the POV of young Ada. Medyo childish ang magiging ganap 😅 since you'll witness the young Ada, Isidore and Reeve. Iyon lang po. Salamat!

Kabanata 2

High Wind and Waves

If I remember it clearly, bakasyon noon nang lumipat kami rito sa Marina. My late grandfather owned a small land in Arroyo and my parents were able to build a small house from their savings.

After that, my parents had nothing. Si Papa ay sinubukang mag-apply doon sa isdaan sa Puerto dahil maraming bakante, si Mama naman ay sinubukang mag-labada sa mga bahay-bahay sa Arroyo dahil marami roon ang naghahanap.

Ang Marina de Arroyo na yata ang lugar na may pinakamaraming heritage houses na nakita ko. Doon sa dati naming tinitirahan sa Cebu ay mas marami na ang modernong bahay at malimit na lang kung makakita ako ng mga heritage house.

Limang buwan ang lumipas at nahirapan na si Papa sa pagta-trabaho roon sa Puerto. Maliit ang kita at kung uuwi siya sa amin araw-araw, sa pamasahe lang din mauubos ang kaniyang kinikita sa araw-araw. Si Mama naman ay sakto lang din ang kinikita sa paglalaba, kung may extra'ng gagawin sa isang bahay ay agad niyang tatanggapin para dagdag na sa pambayad sa gastusin.

I have two other siblings. Babae at lalaki. Ten years old na ako, seven years old naman si Arman at five years old si Amira. Kailangan ko munang tumigil sa pag-aaral dahil ang sabi ni Mama ay kailangan na magkaroon muna sila ng stable na pagkukunan ng kita. Para sa akin ay sayang naman kung hindi ako agad makakapag-aral. Si Arman ay mag-g-grade one na. Si Amira ay kinder pa lang.

"Konting tiis na lang at makakapag-aral na ulit kayo. Sa ngayon muna ay tumulong kayo sa gawaing bahay para naman pag-uwi ko ay hindi na rin ako magt-trabaho. Naiintindihan niyo ba? Tiis lang muna mga anak. Naghahanap pa kami ng paraan ng papa ninyo."

Palaging sinasabi sa amin ni Mama na magtiis muna kami. Lagi ko namang pinapaalala sa sarili ko na hindi pa naman permanenteng pamumuhay iyon at makakaahon kami.

Siguro ay dinapuan rin ng swerte ang aking ama. Nang tumigil siya sa pagt-trabaho sa isdaan at naghanap ng trabaho sa Arroyo, swerteng nakilala niya ang isa sa mga tauhan ni Sir Julio Camporazzo. Ang Campo Razzo farm ay naghahanap ng tauhan noon dahil marami ang umalis dahil sa isang insidenteng nangyari.

Desperado na ang aking ama kaya niya tinanggap. Maayos ang naging trabaho roon at maayos rin ang kita. Nairaraos namin ang kada araw. Stable ang kita ni Papa noon ng dalawang buwan pati na rin ang kay Mama.

Unang tapak ko sa Campo Razzo ay Disyembre noon. Naalala ko na birthday iyon ng nakatatandang anak na si Revezar. Kasama ko sina Mama at Papa, pati na rin ang mga kapatid ko.

Hindi naman iyon mukhang children's party. Matatangkad ang mga batang nandoon. Maliit nga lang ako para sa aking edad. Mas matangkad pa nga sa akin si Arman kung tutuusin.

"Manny, let your children enjoy the party. Eto nga pala ang mga anak ko, si Reeve, ito'ng may birthday tapos ang bunso, si Isidore. Kids, these are your Kuya Manny's children." Ngiting-ngiti sa amin si Sir Julio, ang boss ni Papa.

"Hello po." Nagmano ako rito. Nagulat ako dahil matunog na humalakhak sa akin ito.

"Sobrang galang pala ng mga anak mo, Manny. Great parenting job." Hinayaan ako nitong magmano. Tumingin ako sa dalawang bata na nasa magkabilang gilid nito.

Si Reee na unang tinukoy ni Sir Julio ay matangkad. Sa tingin ko ay hanggang kili-kili lang ako nito. Mukhang masungit. Nakasimangot pa ito sa akin. Tiningnan ko naman ang tinawag na Isidore. Kumpara sa isa, mukhang mas mabait ito. Nakangiti pa sa akin kaya ito ang aking nginitian.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now