Kabanata 17

2K 89 13
                                    

Kabanata 17

High Wind and Waves

"May napansin ako," unang hirit ni Mabel sa akin nang umalis si Isidore at pumunta sa kabilang table para magtanong ng tungkol sa activity namin.

"Ano naman?" Hindi ko inangat ang tingin ko kay Mabel dahil nagsusulat pa ako.

"May bago ka bang crush?" aniya. Kahit hindi pa tuldok ng isang sentence ay natuldukan ko na agad dahil sa kaniyang tanong.

Inangat ko ang tingin sa kaniya. "Ha? Bago? Wala ah."

"Weh?" Nagdududa ang tingin niya sa akin. Ilang taon pa lang kaming magkaibigan ni Mabel pero pakiramdam ko basang-basa na niya ang mga iniisip ko.

"Paano mo naman nasabi? Ikaw ba si Ako?"

Nangalumbaba siya sa table namin. Titig na titig sa akin. Inurong ko naman ang aking ulo dahil baka ilang abante niya lang ay maghalikan na kami.

"Iyong totoo, Ada? May gusto ka pa rin ba kay Sid?" bulong niya.

"Oo naman!" agad kong sagot at tumawa. "Bakit naman magbabago iyon? Siya naman palagi ang kasama natin kaya bakit naman magbabago?"

"Hmm." Umangat ang kaniyang kilay. "Napapansin ko lang kasi hindi mo na siya masyadong tinitingnan. 'Di mo na rin masyadong kinukulit."

"So ibig sabihin noon ay may bago na akong gusto?"

Tumango siya. Ibinaba ko ang aking ballepen at nangalumbaba na rin. Iniisip ko kung sasabihin ko ba kay Mabel na parang may napapansin din akong kakaiba sa akin.

"Hindi naman sa bago, Mabs. Parang ano lang...hindi ko alam. Baka dahil lang sa pangungulit ni Reeve kaya medyo nagkakagusto na rin ako kay Reeve. Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay wala na rin akong gusto kay Sid," bulong ko rin. Ayaw kong marinig ng mga kaklase namin at baka pagchismisan pa ako. Baka umabot pa iyon sa private school.

Namilog ang mata ni Mabel sa sinabi ko. "Oh my gosh, gusto mo na rin si..?."

Tumango ako. "Hindi ako sigurado pero baka. Ewan ko. Naiinis din ako. Diba dapat kapag may gusto ka, isa lang?"

"Hindi ah! Kapag may gusto ka pwedeng marami pero may aangat na isa."

Naningkit ang mata ko. "Gano'n iyon?"

"Oo. Ikaw kasi, si Isidore lang naman ang nagustuhan mo noon kaya hindi ka masyadong marunong."

"Siya lang naman ang nakikita kong papasa sa akin," katwiran ko.

"Eh ang tanong, papasa ka ba sa kaniya?"

"Iyon nga eh, mukhang hindi. Kaya siguro nagkagusto ako kay Reeve kasi hindi naman ako gusto ni Isidore?"

"Aba malay ko sa'yo." Tumawa siya at umayos nang upo. "Wala namang masama kung magkagusto ka sa dalawa." Kumindat siya.

Naiinis kasi talaga ako. Panay ang debate ko sa sarili kung gusto ko nga ba si Reeve o hindi. Simula noong birthday niya ay naiinis na ako dahil sa dikit na dikit siya roon sa Maliya'ng iyon. Walang nangungulit sa akin at si Isidore naman ay normal lang ako kung kausapin.

Nang matapos ang birthday ni Reeve ay hindi siya bumisita sa bahay noong mag-Sabado. Kaya noong pumunta ako sa kanila para sana bumisita sa farm, ang sabi sa akin ni Isidore ay gumawa raw sila ng Science Project.

Science Project? Eh Christmas break na kaya namin noon. Sinong gagawa ng Science Project sa Christmas break? Tapos katwiran sa akin ni Isidore ay para raw wala ng gagawin ang Kuya niya sa mga susunod na araw at makapag-bakasyon.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon