Kabanata 22

2K 115 11
                                    

Kabanata 22

High Wind and Waves

"Salutatorian. Camporazzo, Revezar Aamir R."

Umakyat sa stage si Reeve at nakipagkamay sa mga bisitang naroon. Pumalakpak ako nang matanggap na niya ang kaniyang medalya. Ang tangkad niyang tingnan sa suot na kulay blue na toga at ang linis pa rin kahit papaano. Nakangita siya nang humarap sa mga nanunuod sa kaniya. Mas lumawak pa iyon nang dumapo ang tingin niya sa akin. Kumaway ako bago pumalakpak ulit.

Nandoon sina Tita Letitia at Sir Julio sa stage para isabit ang medalya sa kaniyang leeg. Si Isidore naman ay naroon sa medyo harap para kuhanan ng litrato ang kapatid kaya ako lang ang naiwan sa pwesto namin.

Ang bilis lang ng mga araw at ngayon, natapos na ni Reeve ang high school. Natanong ko naman siya kung tuloy ba ang pag-S-Senior High niya sa Pueblo pero ang sabi niya ay pag-iisipan niya pa rin dahil mas gusto nga niya talagang sa Maynila. Hindi naman ako tutol doon kasi kagustuhan niya naman. Kung doon sasaya si Reeve, sino naman ako para pigilan siya ron?. Nga lang, hndi niya pa iyon sinasabi sa kaniyang ama dahil natatakot daw siyang pigilan siya nito. Ayaw ni Sir Julio na roon siya sa Maynila mag-aral dahil hindi rin naman pabor si Sir Julio sa kaniyang gustong kunin.

Ano bang masama sa pangarap na iyon ni Reeve? Noon, itinatanong ko kung bakit nga ba ganoon si Reeve o kung bakit ayaw niya sa pamumuhay rito. Unti-unti kong naintindihan si Reeve dahil gusto niyang makamit ang pangarap na iyon. Ayaw niyang matali rito sa Arroyo at gusto niyang lumipad nang mataas sa Maynila.

Kung may maitutulong lang sana ako para sa kaniya. At least, hindi siya mahihirapan ngayon. Kung sa sariling anak ay hindi nakikinig si Sir Julio, sa akin pa kaya na anak lang naman ng kaniyang empleyado? At gaya ng sabi ni Isidore sa akin, kapag nakapagdesisyon na si Sir Julio, talagang pinal na iyon.

"Ada, take a picture with Kuya," tulak sa akin ni Isidore habang hinihintay namin si Reeve na matapos makipag-usap sa kaniyang mga kaibigan at kaklase.

Hindi naman sila marami talaga. Ang sabi ni Isidore sa akin, ganoon talaga sa school nila. Hindi naman talaga marami ang pumapasok sa private school ng Arroyo. Kadalasan kasi, doon ang iba sa Pueblo dahil mas malaki roon at mas maganda.

Ngumiti ako nang lumapit na si Reeve sa amin. Hindi ko na binigyang pansin ang masamang tingin ni Maliya na hanggang ngayon siguro ay may galit pa rin sa akin. Mag-iisang taon na kami ni Reeve sa susunod na Hunyo. Sobrang bilis lang talaga ng panahon.

Inakbayan ako ni Reeve at sa akin niya isinuot ang cap ng toga. Ngumiti ako sa camera na hawak ni Isidore. Nang makita ko ang litrato namin, todo ngiti ako habang mayabang naman na itinataas ni Reeve ang kaniyang mga medalya. Oo, 'mga', kasi ang dami niyang sinasalihan sa school at ipinapambato siya sa iilang contest at nananalo rin.

"Ibibigay ko sa'yo itong isang medal," aniya sa akin habang naglalakad na kami. Naka-akbay pa rin ang braso niya sa aking balikat.

"Huh? Bakit naman? Sa iyo iyan. Pinaghirapan mo," sambit ko habang nakakunot ang noo.

"I won't be able to have it without you. You're one of my inspirations, so ibibigay ko." Bumaba ang kaniyang akbay sa akin. Ang sumunod ay ang paggapang naman ng kamay niya sa aking isang kamay.

Nawala ang espasyo sa aking daliri nang magtagpo na ang aming mga kamay. Humawak ako nang mahigpit sa kaniya. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi habang dinadama ang mahigpit na hawak niyang iyon. Ang aking dibdib ay parang tambol na dumadagundong.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Noon lang, sobrang inis ako kay Reeve dahil lagi niya akong pinag-t-tripan. Sa bawat araw na pumupunta ako sa farm, walang mintis niya akong kinukulit. At ngayon, hawak ko ang kamay niya na para bang hindi kami magka-away noon. Hindi ako makapaniwalang gusto niya ako...at ako ay unti-unting nahuhulog sa kaniya.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now