Kabanata 3

3.1K 120 7
                                    

Kabanata 3

High Wind and Waves

"Ang sama po talaga ng ugali ni Reeve, papa, ano?" sabi ko kay Papa habang kumakain kami sa hapag. Agad akong sinuway ni Mama dahil sa katabilan ng bibig ko.

"Bakit mo naman nasabi anak?" Si Papa at kunot na ang noo sa akin.

"Eh papa, sinabihan ba naman akong maliit! Tapos noong sasakay sana ako ng kabayo nila, ang sabi ba naman po ay hindi ako pwede. Buti na lang po pinasakay ako ni Isidore." Ngumiti ako nang mabanggit si Isidore at nawala ang inis sa unang kwento.

"Anak, totoo naman na maliit ka." Si Mama iyon at mukhang kinakampihan si Reeve. Nagsalubong ang kilay ko at napanguso.

"Mama, lalaki pa naman ako! Hindi pa po final height ito," ungot ko. Sina Mama at Papa ay tinawanan lang ako. Dinagdagan pa ni Papa ang ulam ko sa pinggan para daw kumain ako nang madami at lumaki pa talaga. Sinunod niya ang mga kapatid ko.

"Basta anak, 'wag mong sasabihan agad na masama ang ugali ng isang tao. Si Sir Reeve ay mukha namang mabait, sadyang masama talaga ang ugali mo Ada." Si Mama ulit iyon.

"Hindi naman po masama ang ugali ko?" Kinuwestiyon ako ni Mama sa kaniyang tingin. "Medyo," binawi ko agad ang sinabi ko.

Laging sinasabi ni Mama na masama ang ugali ko kasi palagi kong inaaway sina Arman at Amari kapag hindi ako sinusunod sa bahay. Ang sabi kasi ni Mama ay dapat nila akong sundin at kung hindi raw, ay pabayaan ko lang. Pero ayaw ko nang ganoon. Kailangan nilang sumunod sa akin kung hindi ay aawayin ko sila.

Si Amari palagi ang nagsusumbong kay Mama at ako palagi ang napapagalitan imbes na sila. Lagi kong nirarason na sila naman ang may kasalanan at kailangan nilang matuto. Hindi palaging ako lang 'yong aasahan nila.

"Ingat kayo roon, Pa. At ikaw, Ada," hinarap ako ni Mama. "Huwag kang pasaway doon at maging mabait ka kay sir Reeve kung sakaling nandoon man. Kung masungit sa'yo pabayaan mo na lang at huwag mo ng pakialaman."

"Hindi naman ako nangingialam, Mama." Pagtatanggol ko sa sarili. "Sadyang masama naman po talaga ugali nun." pabulong kong sabi.

Pinabayaan na lang ako ni Mama. Nang makaalis kami at nakabiyahe na, sinabi sa akin ni Papa na baka mas matagalan siya ngayon sa farm. Ang sabi niya ay sumama na lang daw ako kay Ate Lena kapag kakain na ng tanghalian.

Ang totoo niyan, ayaw naman talaga akong isama ni Papa sa farm kasi hindi niya ako mababantayan doon. Malaki na ako at alam ko naman ang mga dapat at hindi dapat gawin. Pero sinabi ko kay Papa nito lang na gusto kong sumama sa farm para mas mapag-aralan ko ang mga hayop. Sinabi kong sa pasukan ay mas pag-aaralan ko pa iyon.

Hindi ko nakita sina Isidore sa umagang iyon kaya naman sinamahan ko na lang si Ate Lena sa pag-aasikaso sa mga hayop. May iilan silang baka roon at sabi ni Ate Lena ay iba-iba ang lahi at ang iba ay galing pa sa ibang bansa. May kalabaw din at kambing. 'Yong kabayo nila ay lima at iba-iba rin ang kulay. May maliit pa nga eh.

"Doc, ito na po." Napalingon ako sa bandang loob ng isang barn doon sa farm. Humiwalay ako sandali kay Ate Lena na kumukuha ng dayami at sumilip roon.

Lumaki ang mga mata ko nang makitang may nakahigang baka roon sa mga dayami. May lalaking naka-blue at nakaluhod roon. May dalawang taong nakatayo at mukhang nagbabantay. Bumalik ang tingin ko sa lalaking naka-blue at nakitang may itinurok siya roon sa baka'ng nakahiga.

"Doc, kumusta po?"

Doc? Doctor iyan? Bakit naka-blue? 'Yong mga nakikita kong doctor sa pelikula laging puti ang suot nila at may nakasabit sa kanilang balikat. Ang linis nga tingnan eh.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now