Kabanata 20

2.2K 87 3
                                    

Kabanata 20

High Wind and Waves

Iba pala talaga kapag may pinapanghawakan ka sa tao. Na kahit anong itanong sa'yo ng mga tao tungkol sa kaniya, may isasagot ka agad at hindi ka magdadalawang-isip. Nasanay akong itinatanggi ang lahat at ngayong boyfriend ko na si Reeve, wala ng rason para itanggi ko pa kung ano ang relasyon ko sa kaniya.

Dalawang buwan na kami ni Reeve at masasabi kong masaya naman ako. Hindi kami nag-aaway gaya ng dati at nag-uusap kami na para bang walang kahit anong pagitan sa aming dalawa. Nakatulong si Reeve sa akin, hindi ko alam kung ganoon ba ang dapat kong isipin pero talagang nag-improve ako sa school at sa iba pang bagay.

Dahil na rin siguro iyon sa pressure. Parang ang laki ng inaasahan sa akin ng iba kasi boyfriend ko si Reeve. Ang bata pa nga namin at alam kong nagiging issue na agad iyon. Marami namang iba na ganon rin naman, at hindi talaga maiiwasan na marami ang magtatanong——magtataas ng kilay at magdududa.

"Ada, nasa sala na si Reeve. Huwag mong paghintayin ang boyfriend mo." Kinatok ako ni Mama sa kwarto. Sa tono niya palang, hindi na maitatanggi na kinikilig siya sa tuwing pinapaalala sa akin na boyfriend ko na si Reeve.

Alam kong sa simula pa lang ay gustong-gusto na niya si Reeve. Hindi ko alam kung bakit. Kilala rin naman ni Mama si Isidore at kung tutuusin, mas maganda ang ugali ni Isidore at malinis tingnan. Nga lang, talagang hindi ko maiintindihan si Mama.

"Patapos na, Ma. Bigyan mo na lang muna ng maiinom," sabi ko habang nakaharap sa salamin. Inaayos ko na lang naman ang aking buhok.

Naging palaayos na rin ako simula nang maging kami ni Reeve. Hindi naman masyadong babaeng-babae, tama lang na makita akong presentable. Nagpapabili ako kay Mama ng mga pampaputing sabon kasi pakiramdam ko, kailangan ko talagang magpaputi. Kapag itinabi kay Reeve, parang gatas at tsokolate kaming dalawa. Nagla-light naman ang kulay ng balat ko kaya ayos na rin iyon. Iniiwasan ko na lang din ang magpa-init sa labas nang matagal.

Paglabas ko pa lang sa kwarto ay nabungaran ko na agad si Reeve na nasa sala. Gaya ng nakagawian, presentable palagi ang kaniyang suot. Malinis tingnan at parang plantsado lahat.

Ano pa bang inaasahan ko? Eh may kasambahay silang kayang gawin ang lahat para sa kanila.

"Hi," bati niya sa akin at tumayo na.

"Medyo late ka ngayon," sabi ko nang mapansing ilang minuto na ang lumipas mula sa aming pinag-usapan.

"I had to talk to Dad about something. Are you good to go? Magpapaalam na ba tayo?"

Tumango ako at tinungo ang kusina. Alam kong nandoon lang naman si Mama kung wala sa labas ng bahay.

"Ma, alis na kami," pagpapaalam ko at sumilip.

"Sige, ingat kayong dalawa."

Lumabas na kami ni Reeve ng bahay. Gaya ng nakagawian ulit, hindi siya hahawak sa kamay ko habang nasa labas kami. Okay naman iyon sa kaniya. Ayaw ko lang kasing mapag-usapan ng mga kapitbahay. Alam ko na ang ugali nilang iyon sa tuwing makakakita ng batang mag-boyfriend at girlfriend. Kahit 'di mo rinig ang pag-uusap nila, basang-basa mo naman kung ano ang pinag-uusapan.

"I heard from Sid, you're going to join the Intramurals? The same event again?" aniya nang pumasok na kami sa kanilang sasakyan.

"Oo. 100 meter sprint ulit. Inaya na ako ni Coach noong nakaraan."

"Do you want to go to Nationals?"

Nagkibit-balikat ako. "Kung papalarin, bakit hindi? Gusto kong makapaglaro sa Pambansa. Ikaw?"

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now