Kabanata 37

2.1K 90 6
                                    

Kabanata 37

High Wind and Waves

"Did you enjoy today?" tanong ni Reeve nang nasa labas na kami ng bird sanctuary. Hapon na at nagsisialisan na rin ang mga tao kaya marami kaming nakakasabay.

"Oo naman. Thank you. It's been a while since I had to explore a lot of places. Bakit alam mo pa ang iilan dito?" I asked him while we walk towards the car.

"Flights. Some of the attendants would ask me if I know this and that place. Ang iba ay hindi ko alam at ikukuwento lang nila sa akin."

"Talaga? Do you have workmates that——

Naputol ang aking sasabihin nang tumunog ang aking cellphone. I smiled apologetically at Reeve. Tumango naman siya at inimuwestra ang aking bag.

I fished out my phone. Namatay ang tawag ngunit umulit naman. I saw Isidore's name flashed on the screen. Sa pag-aakalang emergency iyon ay sinagot ko na dahil baka kailangan niya ako.

It's been days since he last contacted me. Kaya ang tumawag siya ngayon ay parang tinik na nahila mula sa aking dibdib. I answered the call. Si Reeve ay nakatitig lang sa akin.

"Sid?" I greeted on the other line.

"Ada! Where are you? Close ang clinic?" tanong niya at mukhang hindi mapakali.

Kumunot ang noo ko. I tried to tell Reeve that maybe we should go. Nakuha niya agad ang aking ibig sabihin at pinagbuksan ako ng pinto.

"Close ngayon, Sid. Uh, nandyan ka ba? Pupuntahan na lang kita riyan," sambit ko at nagkabit ng seatbelts.

Hindi muna pinaandar ni Reeve ang kotse. Mukhang gusto niyang matapos ko muna ang call bago kami umalis.

"I can come to you, Ada. Nasa bahay ka lang ba?" he said in urgency.

"Uh, wala, Sid. Um, I'm with Reeve..." Dinahan-dahan ko ang pagsasalita. Sandaling nanahimik siya sa kabilang linya.

"Okay. I'll be waiting here, Ada," aniya at pinatay na lang bigla ang tawag. Nakatingin pa rin ako sa screen ng aking cellphone at nagtataka.

I sighed. Nagkatinginan kami ni Reeve. His eyes were painted with worry.

"Is something the matter?" aniya.

"Si Sid, naninibago lang ako. He's there at the clinic right now. Uh, pwede bang dumaan na lang tayo roon? Maybe he needs my help."

Tinanguan ako ni Reeve. He started the ignition and drove as fast as he can to reach the clinic. Hindi ko alam kung bakit habang papalapit kami ay kinakabahan naman ako. My ears are ringing with the repeating drum beating of my chest. Halos hindi na nga ako makahinga. Kung hindi pa ako tinanong ni Reeve kung okay lang ba ako ay baka hindi ako natigilan.

"I'm fine." Huminga ako nang malalim.

"I'm sure he's okay," Reeve assured me. Inabot niya ang aking kamay na nasa aking kandungan at hinawakan iyon. He continued driving but in a different speed. Katamtaman na lang ang bilis ng kaniyang pagpapatakbo.

Maybe he sensed that I wasn't comfortable with his fast driving. Huminga ulit ako nang malalim at pinisil ang kaniyang kamay. I instantly relaxed at the warmth of his hand on mine. Doon ko itinuon ang atensyon para hindi kabahan.

I am sure that Isidore's okay. Seeming that he could call me, I think that there was another problem pero hindi kaniya. Baka may kliyente siya at kailangan niya ng tulong.

Bumalik lang ang aking kaba nang nasa bukana na kami ng farm. Reeve parked his car there. Ang sabi niya ay baka ako lang naman ang kailangan ni Isidore kaya roon na lamang siya.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon