Kabanata 30

2.5K 97 3
                                    

Kabanata 30

High Wind and Waves

Young love is just young love. Dati rati, iniisip ko lang ang magkagusto ngunit ang pumasok sa isang relasyon ay parang imposible sa akin sa murang edad. But a lot of teens had been in a relationship and they even lasted for years, umaabot pa sa pagpapakasal. Kaya umasa ako noon na magtatagal din kami ni Reeve, kahit pa mag-aral man siya sa malayong lugar, ay magkakaintindihan kami.

Sadly for me, it did not happen. Hindi ko mapigilang isipin kung ano nga ba ang mangyayari sa aming dalawa kung nagtagal kami. Will we be like those in a long distance relationship couples? Palaginh magkatawagan ngunit madalas ang away? O malimit lang tumawag pero hindi naman nag-aaway?

Knowing us, kahit siguro malimit lang magtawagan, we'd still argue about petty things. Sinabi niya sa akin noon na selosa ako, well partly. Pero siguro kung magkalayo kami, talagang matatawag ko ang sarili kong selosa.

Thoughts just came running on my mind while staring at the empty vase just beside my bed. Naalala ko lang noon na hindi ito nababakante dahil laging nagdadala o nagpapadala si Reeve ng bulaklak sa akin. I still had the dried petals with me. Hindi ko naman maitapon-tapon kaya ang iba, ibinibigay ko sa kapatid ko para ilagay niya sa kaniyang scrapbook.

"Ada?" Katok ni Mama. "Hindi ka pa ba aalis anak? Wala ka bang duty?"

"Mamayang hapon pa, Ma," tugon ko at tumayo na.

I sighed. Bakit ko nga ba naisip bigla ang kung anong mayroon sa amin ni Reeve? Maybe it's just for clarity. Mga bata pa kami noon kaya naisip ko rin, bakit nga ba ako magiging bitter pa sa kaniya? Ang bagay na iyon ay hindi naman dapat iseneseryoso kaya sana ay huwag na lang din akong magbunton ng galit.

Where is your anger coming from anyway, Ada? Sa pag-iwan niya? There was already an explanation for it. Hindi man sapat pero kailangang tanggapin na ganoon lang kasimple iyon.

Ibinaling ko na lamang ang atensyon sa mga damit ko. I haven't fold some of them at ang iba naman ay basta ko na lang ding hina-hanger. Kadalasan kapag papunta akong trabaho, naka-scrub suit na ako. But at times, I'd wear casual kasi wala akong appointment sa umaga.

Gaya ngayon, wala akong appointment sa umaga kaya ang balak ko ay ang pumunta sa clinic ni Isidore sa Costa. Natawagan ko na noong isang araw si Mabel at sinabing sasama raw siya sa akin.

I chose a pair of t-shirt and jeans. Naligo at nagbihis na rin para sa pag-alis. I tied my hair in a ponytail and put some make up on.

"Ada!" Katok ulit ni Mama. "Nasa labas na si Mabel. May lakad ba kayo?"

"Opo. Papasukin niyo muna, Ma," I said as I was putting on my shoes.

Nang matapos ako ay nilabasan ko rin ang aking kaibigan na si Mabel. Huli naming pagkikita ay noong isang buwan pa dahil abala siya sa trabaho niya sa opisina sa Pueblo. She's an employee of a  government bank kaya masyado ring abala talaga.

"Ganda naman ng kaibigan ko." Pumalakpak siya bago tumayo. "Saan ba lakad natin, sa mall o sa clinic?" biro niya.

"Sa clinic, Mabel," tawa ko.

"Saang clinic kayo, Ada? Magpapa-check up ka ba?" usisa ni Mama mula sa kusina.

"Hindi, Ma. Bibisitahin namin ang clinic ni Isidore ngayon. At baka mamasyal na lang din sa Costa kung may oras pa."

"Oh sige. Mag-ingat kayong dalawa."

Nagmano muna ako kay Mama bago kami umalis ni Mabel. She has her own car and I have mine. Convoy kaming dalawa sa pagpunta sa clinic ni Isidore.

Magkalapit lang naman ang partition ng Marina. Aabutin ng dalawang oras na biyahe mula Arroyo hanggang Costa, pero hindi naman kaantok-antok talaga dahil nakikikita ang dagat kapag dumadaan na sa National Highway.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now