Devil's Don't Play Fair☠

20.7K 397 20
                                    

hi? hehe, i know! super tagal nang update... pasensya na super busy lang talaga. isiningit ko lang ang pag-uupdate actually~ kaya pagpasensyahan niyo nalang ang kinalabasan :)

and nga pala mostly kay Dallen ang chapter na ito :D.. Who love Dallen? Haha~

☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠☠ ~

"Dallen, turn Left then right" mas binilisan pa ni Dallen ang pagtakbo nito upang makarating sa dapat na pupuntahan. "Next Right again" napatalon ito patalikod ng may maramdamang bagay na patama sa kanya

Lumingon siya sa pinanggalingan ng kunai na nakatarak sa pader saka umiling-iling "Bad. Hindi ka ba naturuan ng good moral and right canduct nung bata ka?" saka nito binunot ang kunai sa pader

"Hindi mo rin ba alam na nagmamadali ako dahil inuubos na nung mamaw  na Reyna yung mga kalaro ko?" kumunot ang noo ni Dallen saka mabilis na sinugod ang lalaki "Next time. Matuto kang gumalang sa mas nakaka-gwapo sayo"

Saka nito hinampas sa leeg ang lalaki "oopps" hinila ni Dallen ang colar ng damit ng lalaki bago pa man ito bumagsak sa sahig saka isinaksak sa leeg ang kunai na hawak niya "Ayan, ibabalik ko lang yung basura mo"

Napatigil si Hell sa pagtakbo "Queen, they are mine" saka napalingon kay Dallen ng bigla itong humarang sa harapan niya. Nakataas pa ang kamay ni Dallen sa ere habang nakangising nakatingin sa tatlong ninjang nasa harapan

"Edi iyo. Isaksak mo sa baga mo ng makuntento ka" saka pabalyang sinipa ni Hell sa likuran si Dallen dahilan ng pagkakasubsob nito sa sahig "Arrgghh! Queen naman! You don’t do that to me, nakakabawas yun ng kagwapuhan ko! Nakakahiya sa mga panget!" saka nito dinuro ang mga nakapalibot sakanila

Asar na tumayo si Dallen bago samaan ng tingin si Hell na nakatayo at naka-cross ang kamay sa dibdib. Tinaasan lang naman siya ni Hell ng kilay "Gwapo ka ba? Saan banda? Sa likod?" pataray na sabi ni Hell

Napakamot naman sa batok si Dallen bago ngumuso "Queen~ sinasabi mo bang nagwagwapuhan ka sa aking butt~ ahaha! Sabi na nga ba eh! May pagnanasa ka talaga sa napakagwapo kong katawan" hinaploshaplos pa ni Dallen ang katawan nito habang tumataas baba naman ang kilay niya

Nagpose pa ito ng isang matcho pose saka nginisian ng mas malawak si Hell. Itinaas ni Hell ang katanang hawak niya "Gusto mong makipag-usap sa katana ko?" saka rin nito itinaas baba ang kilay. Ngumuwi naman si Dallen dahil dito "No thanks. I’d rather walk nude" saka ito tumawa ng paggak sa sarili niyang joke

Napaubo-ubo ng mahina si Dallen ng mapansing siya lang ang tumatawa saka bahagyang nagkamot sa batok "Medyo pahiya ako dun ah?" mahinang bulong nito saka Umatras sa kinatatayuan nito bago hinarap ang tatlong lalaki na may suot na itim na damit, nababalutan ang mukha nila ng itim ring tela dahilan para hindi nito makita ang mukha nila bukod sa mga mata

"Ahh! This is life! This is fun" tumalon-talon pa si Dallen habang nakangisi at sa panglimang talon nito ay agad siyang sumugod sa ninjang nasa kaliwa niya. Nakaiwas naman ang ninja sa suntok na binitawan ni Dallen ngunit hindi nito naiwasan ang sipa sa tagiliran dahilan para mapaatras ito ng tatlong hakbang

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessOnde histórias criam vida. Descubra agora