Special Chapter 01

27.8K 428 34
                                    


Hell's POV

"Kyaahhh!" Malakas kong tili ng marinig ko ang ibinalita sa amin ni Kevin sa telepono! "Omo! We need to see her!" Nakangisi kong sabi kay Ace saka ko hinila hila ang braso niya.

"Ano ba! Let's go!" Naiinis ng turan ko ng hindi parin siya tumayo sa kinauupuan saka ako tinignan ng walang ka gana-gana kaya naman napataas ang kilay ko.

"Ang tamad mo Ace!" Asar ko iyong sinabi sa kanya saka siya sinamaan ng tingin! "Kumilos ka na diyan!" Dagdag ko pa na ikinasama ng timpla ng mukha nito!

"Ano ba Hell! Pagod ako, inaantok na pati ako! Wala pa akong tulog dahil sayo kagabe!" Tinitigan ko siya saka mas sinamaan pa ng tingin. Ano namang balak nitong palabasin?! "Nagrereklamo ka ba?!" Asar kong sabi.

Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata nito na siyang ikinatawa ko. Ang cute niya hehe! Para tuloy nawawala yung galit ko dahil sa pag-irap niya! "Bakit ba ang sungit-sungit mo?" Naiinis nitong sabi saka tamad na tumayo sa upuan.

"Magbibihis lang ako saglit" Saka niya ako muling inirapan at naghihikab na naglakad pataas sa kwarto namin ngunit kahit ganon ay nanatili parin sa kanya ang paningin.

No, hindi totally sa kanya kundi sa "Ang ganda ng pwet mo Buko! Hehe" Agad-agad naman niya akong nilingon habang nakataas ang kilay. Ang cute niya! "Hahahaha! Ang cute cute mo Buko!"

Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa kacutan niya habang nakataas ang kilay at masungit na nakatingin sa akin! "Nababaliw ka na ba?" Inis pang sabi niya na muling ikinatawa ko.

Kahit na alam kong hindi naman talaga ako nababaliw! "Tss. Matagal ka na nga palang may sayad" Dagdag niya saka tuluyang tumalikod sa akin! Aba! Ang taray naman ng isang yun! Pero kahit na ganon ay hindi ko maiwasang mapatitig sa pwetan niya!

"Stop staring at my butt Hellia Nicole Fortalejo! You're creeping me out!" Napanguso ako. Paano naman niyang nalaman na nakatitig ako sa pwet niya? Tss "Ang tambok kasi ng pwet mo Buko. pwedeng pahampas?"

Nakita ko siyang natigilan sa paglalakad saka mabilis na lumingon sa akin kaya napangiti ako ng malapad! Yiee! Papayag siyang hampasin ko ang pwet niya *0*

"Baliw ka na nga! D-amn it!" Saka siya mabilis na tumalikod at patakbong inakyat ang hagdan. Napanguso ulit ako, ang damot naman! Para hampas lang! Hindi ko naman kukunin yung pwet niya. Hpft!

"Let's go" Napabaling ang tingin ko kay Buko ng magsalita ito. Nakangiti ito habang karga kara sa likuran si Skye habang nasa harapan naman niya nakabitin si Wind.

Agad napataas ang kilay ko saka sila tinignang tatlo "Anong drama yan?! Unggoy ungguyan?! Anong akala niyo sa bahay ko? Zoo?!" Mataray ko iyong sinabi.

Nagkatinginan silang tatlo saka sabay sabay na nagtawanan! Abat mga walangya! Nakuha pa nila akong pagtawanan! Inis kong binunot ang baril na nakatago sa likuran ng sofa saka tinutukan ng baril ang walanghiyang si Ace!

"May nakakatawa ba?" Seryoso ko iyong sabi saka ikinasa ang baril. Kitang kita ko namang bigla silang tatlong natigilan saka ako tinitigan ng may nanlalaking mga mata.

Mabilis ring bumaba sa pagkakakarga niya ang dalawa bago nila hilaiin si Ace pababa para mabigyan ng mabilis na halik sa magkabilang pisngi bago kumaripas ng takbo papunta sa likuran ko.

"Goodluck Dad! Kaya mo po yan!" Nadinig kong sabi ni Wind saka siya binigyan ng okay sign. Ngumiti naman si Skye rito "Dad! Aja! Fighting!" Nag aja sign pa ito saka sila nagtawanang dalawa ng kakambal.

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessWhere stories live. Discover now