Chapter 03: Troublemaker

62.9K 1K 65
                                    

   ———

Denzel's POV

Nandirito na kami ngayon lima sa Pilipinas. Actually kahapon pa kami nakarating dito pero dahil tinatamad at pagod kami sa byahe buong magdamag kaming tulog. Ganun ang gawain ng mga magaganda kaya wag kang magtaka!

Napasulyap ako sa kalendaryo, sunday naman ngayon kaya pwede pa kaming gumala oh kaya naman magpahinga dahil bukas na bukas rin papasok na kami sa bago naming school ..

Ang bilis nga eh. Parang pinaghandaan talaga ng mga magulang namin yung PAGPAPATAPON sa amin dito sa Pinas -_______-

"Tara guys mall tayo ^______^" Nakangiting sabi ni Jessica na nasulpot nalang basta basta sa harap namin. Wala naman kanina dito yan.

"Jessica, may lahi ka bang kabute at basta basta ka nalang nasulpot diyan hah? Papatayin mo ata ako sa gulat ee" Asar namang sabi ni Sam habang sinasamaan siya ng tingin.

"Sorry naman hehe naexcite lang naman ako ee (^_____^)V" nakangiting sabi niya sabay peace sign, para siyang asong naulul. Nagpapacute pa hindi naman siya cute. Mukha tuloy siyang pato.

"Bakit ka naman nae-excite huh aber?" Tanong ko sakanya, malay niyo naman nabaliw na ata yan, hindi lang namin nahalata. Saka mas mabuti na rin yung alam namin para madali siyang ipasok sa mental.

"Kasi nandito na tayo sa Piliinas, at ang ibig sabihin nun, wala tayong BANTAAYY! O.M.G! Where free people!"

"Waahh oo nga hehe ang talino mo talaga Jessica. Bakit ba hindi ko rin naisip yun ano? Mehehe makakapaggala na tayo kahit anong oras natin gusto" Sabat naman ni Hell na nakipag apiran pa muna kay Jessica na katulad nung nauna ay may lahi ring kabuti tapos bigla silang kumaripas ng takbo pataas.

Nagkatinginan nalang kami nila Sam at Alex dahil sa inasta nung dalawang isip bata samin.

"Teka san punta yun?" tanong ni Alex, nagkibit balikat nalang kami sakanya at tumayo na para pumunta sa sarili naming kwarto, p inabayaan nalang namin siya dun sa sala, isa pa kasi yun ee slow -____-

"Oyy teka? Bakit san kayo punta?" Naparinig ko pang sigaw niya bago ko sarhan ang pinto' tamo slow nga. Abnormal!

—————

Nandirito na kaming lima sa isang sikat na mall at katatapos lang namin magshopping ng mga gamit na kakailanganin namin kaya naman na sa loob na kami ng restaurant at para ano? Malamang kumain. Saan ka ba nakakita ng taong naglalaba sa loob ng restaurant?

"Hell, kung sakali bang my UGP dito sa Pilipinas sasali parin ba tayo?" Tanong ko na ikinatigil nilang lahat at napatingin sakin "What?. I'm just asking?" dugtong ko pa

"Wala naman. Pero siguro, ano bang gusto niyo?" Pabalik na tanong ni Hell sa amin habang nilalaro ang spaghetti sa plato nito.

"Ok lang naman samin, saka nakakamiss rin kayang lumaban" Nakangiting sagot ni Alex na sinang-ayunan naming lahat.

"Jessy haha naiisip mo ba ang naiisip ko?" Napabaling ang atensyon naming lahat kay Hell ng bigla niyang tanong si Jessica. Ngumiti pa ito ng ubod ng tamis. Napangiti ako, ang bilis talaga magbago ng mood neto, kanina sobrang seryoso ngayon naman kung makangiti kala mo naulul na

"Oo naman Hell hehe, tara hanap tayo wahaha" Isa pang baliw itong si Jessica. Sabayan raw ba ang pagkaabnoraml ni Hell.

"Nag-uumpisa nanaman silang dalawa" Napapailing nalang na komento ni Sam habang patuloy ang paghigop nito ng pineapple juice

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon