The Accident 7yrs ago

33K 563 20
                                    

 Note: Enjoy Reading

WARNiNG: Still NOt Edditted

Hell's POV

napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng kirot dito "uwwaaahhh ang sakit ng ulo ko! bwisit kasi na Jessy yun ehh" naka-pout na sabi ko habang nakahawak sa ulo ko na parang binibiyak dahil sa sakit, kakagising ko palang tapos nasakit na agad yung ulo ko huhu. kagabi kasi ay nagyayang uminom si jessy sa hindi namin malamang dahilan, at dahil nga si jessy siya, wala kaming nagawa kundi pumayag. pero sa isang banda ginusto rin naman namin iyon kaya hindi lang si jessy ang dapat sisihin kundi kami, pero sa isang banda ulit dahil ako si Hellia Nicole si jessy ang nagyaya kaya siya parin ang sisisihin ko hehe

"shammy TT0TT, mashakit ang ulo ni Lia" naiiyak na sabi ko kay sammy ng madatnan ko siya sa sala na nanonood, sinamaan lang naman ako nito ng tingin saka nagmartsa palayo sa akin kaya naiwan akong mag-isa sa sala. uwwaaahhh!! ang bad bad ni sammy huhu TT^TT, wala na siyang pakealam sa akin uuwaaahhhh TT0TT

"Tss, tigil tigilan mo yang pagdra-drama mo Hellia Nicole ahh, eto inumin mo yan ng mawala yung sakit ng ulo mo" napalingon ako kay sammy ng bumalik siya tapos may dala-dala siyang isang gamot.

"yyaaahhhh!! ang bait mo sammy ^0^" kinuha ko ang gamot sa kamay niya "I love you sammy" sabi ko pa saka siya hinalikan sa pisngi at kumaripas ng takbo papunta sa kusina para mainom ko na yung gamot.

Samatha's POV

isang Linggo na rin pala ang nakakalipas simula ng araw na iyon, ang araw na magising ang demonyong matagal ng natutulog sa katauhan ng isang isip batang si Hell. pagkagising na pagkagising ni hell ay wala itong maalala kung ano ang nang-yari ng araw na iyon, mabuti na rin ang ganon. 

napangiti ako ng mapakla ng maalala ko ang araw na maaksidente si hell

Flashback

KYOTO JAPAN 7 yrs ago

 “Nadirito na ang RCG” malakas na sigaw ng isang lalake na naging dahilan ng pagtahimik ng lahat, nababalot ng takot ang mga mukha ng karamihan dahil sa isinigaw ng lalake. Halos lahat ay nagmamasid sa mga galaw namin, nakikiramdam sa kung ano ang gagawin namin.

 

“wala ata ang Queen” naparinig kong bulong ng isang lalake di kalayuan sa kinatatayuan ko. Inilibot ko ang tingin ko sa buong lugar na wariy sinasaulo ito. Ito ang tahanan naming lima, tahanan rin ng mga kagaya naming gangster maging ang mga kasapi sa mafia ay minsang napapadpad rito. Ang main “Under Ground Palace” kung saan nagsasama-sama ang mga gangster, mapamahina hanggang sa pinakamalakas. Ang UGP ay pinamumunuan ng dalawang tao. Ang Reaper at ang Phantom, walang nakakakilala sakanilang dalawa dahil sa napaka misteryoso nila, maging kaming lima a walang mahanap na kahit anong clue sa pagkatao nila. Ang tanging palatandan lamang sakanila ay ang kanilang maskara at ang galing nila sa pakikipaglaban. Ang UGP rin ang lugar kung saan nagaganap ang mga labanan sa pagitan ng mga magkalabang gang, at ang tanging rule na nag-eexist tuwing may laban?? NO RULES, pwede kang gumamit ng kahit anong armas, pwede mong dalhin sa ospital oh ideretsyo sa morgue ang taong makakalaban mo.

 

“oo nga wala ata siya” sa UGP ay may mga rank kung saan binabase ang kakayahan mo, ang rank 5 ang panghuli, sumunod ang rank 4-3-2 at 1 kung saan kami ang nakapwesto. Ang gang naming ay tinatawag na Royal Cards Gang na may limang babaeng myembro, ang gang namin ang pinakamalakas, kahit na kami ang pinakabata rito at puro babae pa.

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessWhere stories live. Discover now