The Truth Behind the Curtain of Lies

18.6K 319 22
                                    

Hello?? Naguguluhan ba kayo sa huling update's ko? soreee naman haha..

Enjoy reading guys~


Ngayon ko lang naisipang magdedicate :3.. so BTW hi sayo Modern_G :)) Hope you enjoy reading this :))


Not Yet Edited (-___-" )V

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄


Flash Back.......



"Ahhh!" napahawak si Lia sa kanyang sinapupunan ng maramdaman ang bahagyang pagsakit nuon. Humawak narin siya sa dingding pangsuporta para hindi matumba "Ahhhh!!" muling hiyaw niya ng muling sumakit ang tyan


"Nicolo! Sh-it! Manganganak na ata ako!" malakas na hiyaw pa nito saka napahampas hampas pa sa dingding dahil sa sobrang sakit "Nicolo!!" muling malakas na hiyaw nito.


Nabulabog ang mga katulong, maging ang mga alaga nilang aso ay nagsisitahol dahil sa malakas niyang sigaw "T-angna ka Nicolo! Gumising ka diyan!" muli nanaman niyang sigaw saka hinimas himas ang malaking tiyan habang humihinga ng malalim


"Hush! Mga anak naman! Saglit lang! Maawa kayo sa Nanay niyo dahil yung walanghiya niyong Tatay naghihihilik pa sa kama!" marahan nitong kinakausap ang tiyan. Bakas sa mukha ang sakit na dinaranas


"Baby Baby Baby!! Oh my God! What should I do?!" napatingin ito sa itaas ng hagdan ng marinig nito ang boses ni Nicolo. Nakasuot pa ito ng pantulog na may disenyong Hello Kitty. Magulo ang buhok at nanlalaki ang mga mata


Nais pa sanang matawa ni Lia ng malaglag at magpaikit-ikot ito sa hagdan ngunit biglang humilab ang tiyan nito dahilan para mapasandal siya sa dingding "T-angina mo Nicolo!! Dalhin mo na ako sa ospital dahil manganganak na ako!" mahinang hiyaw ni Lia rito.


Tumango tango si Nicolo saka dali-daling nagtungo sa garahe para iayos ang sasakyan. "Ahh! Yung susi?! Susi! Huwahh! Nasan ka?!" natataranta nitong sabi saka hinalughog ang lalagyan ng mga kutsarat tinidor "Nasan na ba yung susi?!" inis na bulong nito sa sarili saka binuksan ang Ref.


"Yaya?! Yaya?! Asaan yung susi ko?!" Malakas na hiyaw nito saka nagtungo sa sala kung nasan ang lahat ng katulong "Yaya?! Yung susi?!" kinalabit pa nito ang babaeng umaalalay kay Lia para pumuntang sasakyan


"Ahh? Serrr, asa kamay niyo na ho" nagtataka at nalilitong sagot ng katulong. Napakamot sa ulo si Nicolo ng makita ang susi sa kamay saka muling kumagat sa tinapay na nakuha nito sa kusina kanina. "Hehe, oo nga no?" saka siya kumamot sa batok


"P-utangna ka Nicolo! Mapapatay talaga kita!" nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang sigaw ni Lia. Napatalon pa ito at muntik mabilaukan dahil sa gulat "A-andyan na teka!" mabilis siyang tumakbo papunta sa pintuan ngunit agad ding napatigil ng maalala ang hawak na tinapay


Muli siyang bumalik sa harap ng katulong saka iniabot ang piraso ng tinapay na nakagatan na niya "Yaya, sayo nalang. Baka mainggit kasi si Lia pag nakita niya to, iisa pa naman naidala ko" mabilis na sabi saka nagmadaling tumakbo at sumakay sa sasakyan. Naiwan namang nakatanga ang katulong at nakatitig sa tinapay na may kagat "Anong trip ni serr?" mahinang bulong nito...

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon