The Death Of the Queen

27.2K 532 38
                                    

Hi~ kamusta kayo? Hmmmm Eto na pala yung kasunod! Hope you enjoy guys

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Nico's POV

Labag man sa loob ko pero kaylangan kong iwan saglit si Lia. Isang araw lang naman, may importanteng bagay lang akong kaylangang tapusin.

Bago ako umalis pumasok muna ako sa kwarto niya para magpaalam pero wrong timing ata ako dahil natutulog siya, maganda sana iyon dahil nakakapagpahinga siya at hindi lang pag iyak ang gagawin niya pero sa lapag palagi siyang natutulog kaya naman pag pumapasok ako at nadadatnan siyang nakahilata sa lapag inililipat ko siya sa kama niya para mas makapagpahinga siya ng maayos. Hindi ko alam kung anong nangyari sakanya dahil hindi naman niya sinasabi saakin kaya hinahayaan ko nalang, dahil i know someday she can tell me whats the problem. After all,i am Nico Jay Park.

"baby, Kuya have to go. I have some business to finish, but promise ill come back as soon as i can. Take care my princess, i love you" isinulat ko ito sa isang sticky note na nahalungkat ko sa drawer niya kanina lang. Pagkatapos ko itong idikit sa lampshade ay hinalikan ko siya sa noo.

Nandirito ako ngayon sa itaas ng isang puno sa isang park. Wala ng tao ngayon dahil mag aalauna na ng umaga. Ayon sa mga data na nakalap ko, dito siya dumadaan pagkatapos ng trabaho nito sa isang bangko. Siya nalang ang kaylangan kong trabahuin at tapos na ang misyon ko dito sa pilipinas, makakauwi narin ako sa Japan pero siguro bibisitahin ko muna sila Samantha

"Bingo" nakangising bulong ko ng makita ko ang pang apat kong target na naglalakad kasama ang isang lalaki. Katrabaho ata niya. Itinutok ko sa paa niya ang baril ko saka kinalabit ang gatilyo ng dalawang beses. Napangiti ako ng malawak ng makita kong bumagsak ito saka nagpagulong gulong sa damuhan habang iniinda ang sakit. Unti unti akong naglakad papalapit sakanya ng may mga ngiti sa labi ko. "D- death r-reaper" mas lalong lumawak ang ngiti ko ng maramdaman ko ang panginginig at takot sa boses nito. Binalingan ko ang kasamahan niyang nakaupo at naginginig sa damuhan dahil sa takot "Ang malas mo naman at nadamay ka pa" may sasabihin pa sana ito ng itutok ko ang baril ko sa ulo niya saka kinalabit ang gatilyo. Wala akong panahon sa mga taong mahihina.

"ma- maawa ka" binalingan ko ang walang kwentang taong namamalimos para sa buhay niya

"maawa? Haha! Nagpapatawa ka ba?" tinapakan ko ang paa niyang may tama ng bala habang nilalaro ang baril sa kamay ko "ahhhh!!" napangiti ako ng makita ko kung pano umagos ang masaganang dugo galing sa sugat niya. Pinipilit niyang tanggalin ang pagkakatapak ko sa paa niya pero dahil sa mahina siya ay hindi niya magawa at tanging pagsigaw at pagmamakaawa nalang ang kaya niyang gawin. Wala siyang kwenta

"Pasensyahan nalang tayo. Trabaho lang" nakangiti kong sabi saka itinutok ang baril sa ulo niya. "p- parang awa mo na, ma-may p- pamilya ako" sinipa ko ang dibdib nito ng yapusin niya ang kamay kong may hawak ng baril, ng mapahiga ito ay saka ko pinaputukan ang noo niya. Bulls eye! Pinagmasdan kong mabuti kung paano umagos ang masaganang dugo sa noo nito, napakunot ang noo ko saka ko ipinaling ang ulo ko pakaliwa at mas lalo itong tinitigan, nakadilat pa ang mga mata nito kaya mas lalo akong nainis, buhay pa siya, inilabas ko ang katanang gawa ni Hell sa lalagyan nito saka ko siya sinaksak sa leeg at iwinasiwas pakaliwa dahilan para tumalsik ang ulo nito palayo sa katawan niya at ilang patak ng dugo niya sa pisngi ko, sinipa ko pa ang ulo nito kaya mas lalo itong lumayo sa katawan niya "hmm Better" nakangiting usal ko saka naglakad palayo sa katawan niya.

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessWhere stories live. Discover now