Special Chapter: Lexen

34.3K 681 32
                                    

.. ayun!! eto ang dahilan bakit ako maraming thank you kay "NobodyMessWithMySwag" , siya kasi nag-isip ng pangalan ng loveteam nina alexa at dallen haha, pasensya na po sabaw utak ni author ee xDD ..

NobodyMessWithMySwag~ heloooo!!! sana magustuhan mo tong chapter na itooo!! para sayo talaga ito, thank you ulit. LAByou~

~ may bago tayong reader!!! yieee!! please keep on voting guys!! nga pala, eto na yung iniintay niyong updated!! wahaha pasensya na kung natagalan ahhh, btw, comment naman kayo ajujuju TT^TT, natutuwa kasi ako sa mga nababasa kong comment ehh

WARNiNG: still no edit ^^,

soo tama na ang dada, eto na please enjoy!!!

 ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄  ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Alexa's POV

ano bang meron ngayon?? ahh oo pupunta nga pala akong mall para sa pustahan namin nung mokong na si dallen, tss, hinamon kasi ako. kung sino daw unang mahuhulog saming dalawa siyang talo -______-. at actually 2 weeks na naming ginagawa tong ganito, pupunta sa mall, manonood ng sine, kakain, mag-lalaro sa arcade at kung ano-ano pang pwedeng gawin sa mall, kakawasa na nga rin ehh. saka asa naman siyang mahuhulog ako sakanya??

pero pabor rin naman sakin yung pustahan, tagal tagal ko ng walang laro ehh, sakto namang nagprisinta si dallen unggoy kaya pumayag narin ako, nabobored na ako ehh haha

"oyy san ka nanaman punta??" napalingon ako kay denzen na nasa may bandang kaliwa ko, napakunot ang noo ko ng mapansing wala ni isang gadget na dala ang bruha, ano namang kayang problema nito?? impusibleng hindi siya nagdala ng kahit isa manlang gadet ngayon, pano kasi kahit sa banyo may hawak yan ng iPod, cellphone, loptop oh kung ano-ano pa. ganun ka adik sa technologies ang bruhang iyan

"mall" maikling sagot ko at saka tumalikod sakanya, sigurado kasi akong magtatanong at magtatanong pa iyang babae nayan, napaka-chismosa niyang babaeng yan ehh, parang si jesica lang -______-

hinablot ko ang cellphone ko sa bulsa ng gamit kong short ng maramdaman kong magvibrate ito, text message galing kay unggoy

*where are you?* tss masyado namang excited tong unggoy na to na makita ang napakagandang si alexa santilan tss

*on the way* pagtapos ko siyang replayan ay ibinalik ko sa bulsa ko ang cellphone ko dahil magmamaneho ako, ayoko namang maaksidente ng dahil lang sa kadahilanan nireplayan ko tong unggoy na to no

pinatakbo ko ng mabilis ngunit maingat ang sasakyan kong yellow lamborghini gallardo papunta sa mall kung saan kami magkikita, wala pang 30 minutes nakarating na ako sa parking lot ng pentagon, isa sa mga branch ng mall na pagmamay-ari nina hell, nakita ko yung unggoy na feeling pogi at nakasandal sa isang silver ferrari enzo. halos lahat ng tao napapalingon sakanya, sabagay hindi lang naman siya feeling pogi, sa totoo lang may itsura naman talaga itong babaerong lalaki na ito ehh. pero sure naman akong hindi siya ang dahilan bakit napapalingon yung mga tao sa direksyon niya, yun ay dahil sa sasakyan niya

itinabi ko sa sasakyan nito ang sasakyan ko dahilan para mapalingon ito sa gawi ko, ngumiti ako ng napakalwak sakanya ng makababa na ako ng sasakyan, ganun rin naman yung ginawa niya

"tara na" nakangiting sabi nito at inilahad saakin ang kamay niya, tss trying to be gentleman kahit hindi naman uso sakanya ang salitang iyon, sa totoo lang sa loob ng dalawang linggo na yun, hindi naman siya naging isang gentleman or caring ehh, at nakikita ko ang sarili ko sakanya

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessWhere stories live. Discover now