Payback is a b-itch ☠

24.4K 438 15
                                    

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Third Person's POV

"Dad, magkakasama na talaga kayo ni Lena ngayon konting tiis nalang" medyo natatawa pang sabi ni Nico habang nakadungaw sa payapang mukha ng ama nito. Hinaplos haplos pa nito ang salamin ng kabaong habang napapangiti ng mapait

"You know what dad? Mababaliw na ata ako" natatawang sabi nito saka umiling-iling "I have a lot of things in my mind" saka ito napatawa ng malakas.

Nagsilingunan naman lahat ng mga naroroon sakanya na may nagtatakang ekspresyon "You want to know what is it?" ngumisi ito saka pinagmasdan ng mariin ang ama. Nakatutok lang naman sakanya ang tingin ng lahat

"I have a lot of different ways how to kill those bastard dad." nababakas ang kasiyahan sa pagmumukha niya habang takot naman ang sa mga nanonood sakanya. Unti-unti niyang pinakawalan ang maliliit na tawa hangagng sa nauwi ito sa isang malakas na halakhak.

Naluluha pa ito dahil sa pagtawa niya habang aliw na aliw sa mga naglalarong imahe sa utak kung paano pahihirapan ang mga taong pumatay sa ama.

Ramdam ang tensyon sa buong paligid dahil sa nakakatakot nitong aura, parang nawala ang kalmadong Nico at napalitan ng isang nakakatakot na nilalang. Napalitan ng kinakatakutan nilang Death Reaper, ang emperor ng Pentagon Mafia.

"Samantha. This is really bad" napatango si Samantha sa sinabi ni Dallen sakanya habang napalingon naman ang iba "I know. Ngayon pa at makikisali rin si Tita sa gulong gagawin nila Ani at Hell"

Saka sila napalingon kay Lia na ngayon ay kasalukuyang naglilinis ng baril sa isang gilid, seryoso ang mukha at walang kahit anong emosyon ang makikita rito at tila walang pakealam sa paligid at maging kay Nico na patuloy parin sa paghalakhak nito

"What do you mean bad?" pagsingit naman si Ace sa usapan. Hindi na kasi siya mapakali pa sa kinatatayuan nila dahil masyadong seryoso ang mukha ni Dallen na bibihira lang mangyari.

Napatungo si Dallen saka nilingon si Nico, huminto na ito sa pagtawa at bumalik na sa seryoso ang mukha nito pero hindi parin nawawala ang nakakatakot na ngisi nito habang naglalakad palapit kay Hell na naglilinis rin ng baril

"You know the reason why the Underground society is at peace?" umiling-iling lang naman sila habang seryosong nakikinig sa sasabihin ni Dallen

Nilingon nito ang bandang harap ng chapel saka ngumiti ng malungkot "Nicolo Park is the reason why" napabuntong hininga ito saka tumingin ng seryoso sakanila

"Siya ang tumatayong pinuno ng underground society. Lord of Underground" mahina ngunit seryosong sabi nito. "Siya ang umaasikaso sa lahat ng problema na nangyayari sa Underground Society. Sa lahat ng mga illegal transaksyon ng bawat oraganisasyon at kapag may hindi nagkakaintindihan na organization, siya rin ang umaayos" Nilingon naman niya ang magkapatid na sina Hell at Nico sa kabilang gilid

"At ang dalawang iyon ang dahilan kung bakit siya napilitan na maluklok sa pwestong iyon" nakangiting sabi nito. Bakas ang pagkalito sa mukha ng mga kalalakihan dahil sa sinabi nito kaya napatawa ito ng mahina

"Simula ng mapasok silang dalawa sa Underground society ay hindi na ito matahimik. They always make trouble, trouble and trouble. At halos gabi-gabi nalang may away at nalalagas sa myembro ng Society"

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessWhere stories live. Discover now