Chapter 01: Busted

131K 1.9K 180
                                    

Jessica's POV

"What is the meaning of this sh-it!" malakas na sigaw sa amin ni Tita Lia, bakas rin ang galit sa mukha nito dahil sa pagkakakunot ng kanyang noo, masama rin ang tinging ibinibigay niya sa amin. Si tita Lia nga pala ang mommy ni Hell,

Kung nagtataka kayo kung na saan kami, nasa sala lang naman po ng sarili naming bahay at kaharap ang mga magulang namin, si Tito Nicolo lang yung wala na siya namang daddy ni Hell. At kung hindi niyo pa alam kung anong nangyayari ay obvious naman na pinapagalitan nila kami sa hindi namin malamang dahilan

Nilingon ko yung apat na abnormal saka tinitigan ......

Si Denzel nasa may pinakadulong bahagi at nagsa-sound trip, hindi naman nila napapansin yung earphone na nakapasak sa tenga niya dahil natatakpan ng nakalugay nitong buhok. Mabingi po sana siya ng wala sa oras.

Si Samantha naman sa isang banda ay nakatunganga lang. Siguro ay iniisip na naman nito kung ano ang kakainin niya pag-alis ng mga magulang namin dito. Napailing ako, kaya siya nataba eh, puro pagkain laman ng isip.

Si Alex naman na katabi ko ay nakatungo, at kitang kita at rinig na rinig ko ang pagtagiktikan ng kanyang keypad dahil sa walang katapusan niyang kakatext. At hindi ko manlang maisip kung bakit hindi man lang mapansin ng mga magulang namin ang bruhang ito. Mapudpod sana yung mga daliri niya.

At ang huli ay si Hell na nasa kanan ko na nakatungo at nagbibilang ng nadaan na langgam sa floor, pinagmasdan ko siya na nakakunot ang noo at seryoso sa pagbibilang bago umiling. Wala na talaga siyang pag-asa, forever tanga.

"Are you f-ucking listening at me?!" Nawala ang pagkakatitig ko kay Hell dahil sa malakas nanamang sigaw ni Tita Lia. Pinagmasdan ko pa siyang samaan kami ng tingin bago ilapag ang isang folder sa mesa.

Napangiwi pa ako habang iniimagine ko si Tita na umuusok ang tenga at ilong nito dahil sa sobrang galit. Umiling ako, parang bangungot iyon. Ngumuso ako dahil sa pagkabagot, hindi naman na kami takot kapag nagagalit sila, sanay na kasi kami. If you know what i mean ^___*

"What do you mean Tita??" Seryosong tanong ni Sam habang kumukunot pa ang noo. Napailing ako, magaling na artista. Inabot niya rin yung folder na inilapag ni Tita sa harap niya

Maya-maya ay bigla nalamang nagbago yung itsura ni Sam at naging kwago ... pfffttt .....

Natatawa akong nakatitig sakanya habang iniisip kung ano ang posibleng laman ng folder para maging dahilan ng pagiging kwago niya. Posible kayang nakakatawang litrato iyon ni Tito Nicolo?

"Now young ladies EXPLAIN!" Natigil ang pagpipigil ko ng tawa ng si Tito Samuel naman ang galit na sumigaw. Kung itatanong niyo kung sino siya, pwes siya lang naman ang daddy ni Samantha.

Ano kayang meron bakit lahat ata sila nakasigaw, yun na ba ang uso ngayon? Trending sa Youtube? Makikisigaw din kaya ako? Hehehe pano hindi naman sila ganyan makasigaw pag pinapagalitan nila kami dati. Natuto na kaya silang mag Youtube? Baka naman Friendster? Ayy hindi hindi, luma na yun baka Instagram, yun yung bago ehh.

Nilingon ko si Sam na patuloy paring nakanga-nga at may nanlalaking mata kaya napataas na ang kilay ko. Hindi ko na hinintay na iabot niya yung folder na parang wala naman ata siyang balak iabot dahil balak niya na atang titigan yung folder magdamag kaya naman hinablot ko nalang ito sa kamay niya na agad niya rin namang nabitawan dahil lumilipad pa ata ang utak niya kung saan man.

Inumpisahan kong buklatin ang folder upang matignan kung ano ang kagulat gulat duon, at sa unang page palang ay gusto ko nalang atang maglaho sa kinauupuan ko oh kaya naman ay lamunin nalang ng sofang inuupuan ko.

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessWhere stories live. Discover now