Twisted Reality

18.2K 344 40
                                    

NOTE: Hi guys~ gaya nga ng sabi niyo. Mahaba na yung laban kaya tapusin na natin. Pero bago yun, I will make a twist :3, kung sino mang makahula, sakanya ko idededicate yung next update ^___^ (walang mangdadaya ahh??)...

Question~

Sino sa tingin niyo ang mananalo? Ano yung twist? Sinong makakatalo kay Asaki? At ang pinakaimportante sa lahat, makakakin na bas i Hell? Haha~ oh syaaaaa! Tama na ang daldal.. enjoy guys JJJ


Warning: Not Yet Edited


✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄  ✄


Third Person's POV


Nakakunot ang noo ni Kawasaki habang pinapanood si Hell kung paano nito pahirapan ang mga tauhan niya "ill give you a chance to kill yourself before i lay my hands on you"

Mas lalo itong napakunot noo at napatawa dahil sa sinabi niya. Kanina pa siya naiinis dahil parang pinaglalaruan lang siya ng mga ito. Nagtatagis ang bagang niya tuwing nakikita ang mga walang kwentang ngisi sa mga labi nila

"After what you did to me? Hah! Dont f-uck with me!" galit na sigaw ni Kawasaki saka tumayo sa kinauupuan nito. Nakayukom ang dalawang kamay nito at talagang masama ang tingin kay Hell bago lumipat kay Nico ang mga masamang tingin niya

Napatawa siya ng mapakla habang pinagmamasdan ang mukha nito. "Yah! Im not f-ucking with you! Kadiri ka!" hindi nito pinansin ang pagsigaw ni Hell sakanya at pinanatili ang tingin sa mukha ni Nico

Pinagmamasdan nitong mabuti ang mukha niya. Bawat anggulo, ang mga mata nitong walang kabuhay-buhay. Ang ilong nitong matangos at ang maliit nitong labi na mapupula

Nagtagis muli ang bagang niya "Thats the reason why i f-ucking hate to look at my self"  mapait na bulong nito sa sarili saka hinaplos ang telang nagtatago sa ilong at bunga-nga nito

"Yah! Look at me!" nilingon nito si Hell saka sinamaan ng tingin. Ayaw niyang makipaglaro rito dahil naiinis siya. Isang tao lang ang gusto niyang harapin at yuon ay si Nico.

"shut up!" galit sa sabi nito saka ibinalik ang paningin kay Nico. Ayaw niyang magsalita dahil pati ang boses niya ay kinaiinisan niya bukod pa sa mukha niya

Pakiramdam niya ay wala siyang sariling katauhan, pakiramdam niya ay nanghihiram lamang siya ng katauhan ng iba dahil ni minsan ay hindi nito naranasang lumbas sa mansyon. At mapait nalang na napapapikit tuwing nakikita si Nico sa telebisyon at pinupuri dahil sa angking galing nito sa paghawak ng mga negosyo nila

"What the?" inis niya muling binalingan si Hell ng batuhin siya nito ng kunai saka niya ito binato ng dalawang kunai galing sa kanyang bulsa. Napakuyom ang dalawang kamay ni Hell ng maramdaman ang hapdi sa kabilang pisngi nito.

Masyadong mabilis ang kamay at ang pagbato ni Kawasaki dahilan para hindi nito maiwasan ang pangalawang kunai. Maswerte nalamang siya at napadulas siya ng iwasan niya ang unang kunai dahil kung hindi ay maaaring bulag na siya ngayon.

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessWhere stories live. Discover now