Philippines

27.7K 521 54
                                    

hi guys! aha! alam kong super tagal ng updated >0< .... wala ng bakasyon TT__TT pasakunan na po, saka super toxic ng sched ko huhu! nahh, tama na dram, here. enjoy guys!

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄  ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Samantha's POV

"Sam, tingnan mo nga ito" nilapitan ko si Denzel na nasa harap ng table at pinag-aaralan ang bawat pasikot sikot ng hotel na pag gaganapan ng auction "Tama na siguro ang isang daan CCTV camera hindi ba?" tinanguan ko siya habang pinag-aaralan ang bawat parte ng hotel na pagkakabitan ng mga Camera "Maganda siguro kung lalagyan mo ng apat na CCTV sa entrance para makuha lahat ng anggulo" saka ko itinuro sakanya ang lugar kung saan magandang ipwesto ang mga iyon "Hmm. Kung ganon apat din sa Exit ng lugar?" tumango lang ako sa sinabi niya saka itinuro rin ang paglalagyan ng mga CCTV sa exit. "Lalagyan mo pa ba ng camera ang iba pang floor ng hotel bukod sa underground auditorium?" tanong ko sakanya habang nakasulyap sa iba pang blue print ng bawat floor ng hotel. Tumango naman siya saka itinuro ang limang papel "yup. Reception, 1st floor, 3nd floor, 3rd floor and this the entrance of the hotel" tinanguan ko siya saka lumakad pabalik sa table na pinagtratrabahuan ko.

Magdadalawang oras na simula ng umakyat si Hell sa itaas para tignan yung dalawang kambal. Ano kayang mangyayari saamin pagbalik namin sa Pilipinas? Marahan kong ipinikit ang mga mata ko habang inaalala ang bawat ngiti niya. Mahal na mahal ko siya pero hindi ko kayang iwan si Hell. Hindi ko kayang ipagpalit si Hell sa pag-ibig ko kay Kevin. Mahal ko siya oo, pero mas matimbang ang pagmamahal ko kay Hell. She suffered a lot, hindi niya naranasan ang mga bagay na dapat maranasan ng isang normal na bata, hindi niya naranasang lumaki ng normal. Magkaroon ng madaming kaibigan at kung ano-ano pa dahil sa Pentagon. Mas gugustuhin ko pang isakripisyo ang sarili ko para sa kapakanan niya. "What are you thinking Sam?" napamulat ako ng mata saka nakita si Alexa na nakaupo sa edge ng table ko. Hawak hawak nito ang Cellphone niya at nagte-text. Hindi ako sumagot sa tanong "Are you thinking about him again?" napabuntong hininga ako kaya naman lumingon siya saakin. Nginisian ko siya saka hinarap ang mga blue print ng hotel na nasa table ko "I guess so" marahang bulong ko saka napangiti ng mapait. Narakaramdam ako ng pagsikip sa dibdib ko kaya naman kinalamay ko ito. Hindi ko naman aakalaing sobrang sakit pala ng napili kong desisyon. "Hah. You guys choose a dificult path to walk" naiiling na sabi niya saka tumayo "kung sabagay, ganun rin ang gagawin ko sakaling hindi sila magkapatid" nakangisi ito. Pero bakas ang lungkot sa mukha niya. "You woudnt haha" natatawang sabi ko sakanya. Nailing naman siya saka marahang natawa rin "Sige na. Magtrabaho ka na. Baka mamaya dumating na ang reyna" napailing ako sa sinabi niya saka pinagmasdan ang likod niya. I know she fell guilty dahil hindi niya nararanasan ang sakit na nararamdaman naming tatlo nila Jessy at Denzel. Well thats life, its not really fair.

Ibinaling ko sa mga blue print ang pansin ko saka nangalumbaba. Hayy, nasan na ba yung babaeng yun?! Sabi niya dalawa kami ang tatapos pero bwisit! Nagoyo nanaman niya ako dahil paniguradong ako lang mag-isa ang tatapos ng mga trabahong dapat dalawa kami ang gagawa. Tsk, ano pa nga bang magagawa ko. Wala namang ginawa yung babaeng yung kundi ang makipaglaro sa Kambal. Hayy "Akala ko kapag nagka-anak siya magma-mature kahit 5% lang yung utak niya pero nagkamali ako" dismayadong sabi ko. Naparinig ko namang nagtawan yung tatlo kaya nilingon ko sila "Haha, nagmature naman siya Sam. Hindi nga lang 5% dahil sa kasamaang palad ay .005% lang" natatawang sabat ni Alexa "Grabe naman kayo. Dapat nga proud pa tayo dahil may nadadagdag na .005% sakanya" napahalakhak ako ng sobra dahil sa tinuran ni Jessy "Parang may nadagdag sayo ahh" pangangantyaw naman ni Denzel sakanya kaya binato niya rito anh hawak na ballpen. Napailing nalang ako sa mga kalokohang pinaggagawa nila. Sabagay hindi nga naman kami matatawag na normal kung wala kaming gagawing kalokohan sa isang araw.

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessWhere stories live. Discover now