Chapter 55

18.2K 367 15
                                    

Nic's POV

Parang may kumurot sa puso ko ng marinig ko ang mga sinumbat saaking ni Nico. Parang may kung anong sakit na dulot saakin ang boses niyang punong puno ng sakit.

Nakaramdam ako ng matinding sakit sa dibdib ng makita ang malungkot na ekspresyon sa mukha nito kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mata niya.

Nilingon ko si Lia, ang totoong nanay ko na kanina pa hindi mapigilan ang paghikbi. Nakatakip sa mga mukha nito ang dalawang palad habang umiiyak ng malakas na tila ba walang pakialam kung sino ang makakita sakanya.

"Ano bang alam mo hah?" Muli ay nilingon ko si Nico ng magsalita ito. Tinitigan ko siya ng may naguguluhang ekspresyon na ikinailing niya at marahas na paghilamos ng kanyang palad sa kanyang mukha.

"Ano bang alam mo hah?!" Napalunok ako ng mas malakas niyang isigaw iyon habang may nanlilisik na mga tingin saakin. Napailing ako saka napayuko

Ano nga bang alam ko? Napapikit ako ng mariin saka dinama ang sakit na nasa dibdib ko, parang may kung sino ang pumipiga sa puso ko na nagdudulot ng masakit na pakiramdam sa dibdib ko.

Nahihirapan na rin ako sa paghinga gawa siguro ng walang hintong pag-iyak ko. Napailing ako saka napatawa sa aking sarili "I don't know" Mahina kong sambit saka tumunghay sa mukha ni Nico.

"Hindi ko na alam kung anong iisipin ko! Nababaliw na ata ako!" Malakas na sigaw ko saka ko sinapo ang aking mukha gamit ang dalawa kong palad.

"Patayin mo nalang ako!" Mahinang sambit ko sakanya. Ayoko ng mag-isip, napapagod na ako. Para na akong mababaliw sa mga impormasyong pumapasok sa utak ko.

Napapagod na akong mag-isip. Naghalo-halo na rin lahat ng alam ko at hindi ko na alam kung alin ang totoo at hindi totoo sa mga iyon!

"Anak please, No" Napailing ako. "Ayoko na, tama na" Mahina kong dagdag "Buong buhay ko, nabuhay ako sa isang kasinungalinan" Humihikbi kong bulong.

Tinitigan ko ang mga kamay ko "Buong buhay ko, ang tanging inisip ko lang ay makapaghiganti" Napailing ako saka bahagyang natawa sa aking sarili.

"Ginugol ko ang bawat oras ko para magsanay para mas lalo akong lumakas" Mas lumakas ang pagtawa ko saka siya nilingon at nginisian "Para sa ano? Paghihiganti, sa mga maling tao"

Napatitig ako sa mukha niyang napakaseryoso. Wala akong mabasang kahit anong emosyon ruon. Kahit galit manlang para saakin ay wala "Ngayon ko lang naisip, nakakaawa nga talaga ako ano?"

Nakita ko ang ang pagkunot ng noo niya at ang pagkuyom ng mga kamay niya habang nakatingin ng seryoso saakin "Patayin mo nalang ako" Mahinang pakiusap ko sa kanya saka ngumiti ng mapait.

Mas mabuting mamatay nalang ako dahil ako ang dahilan kung bakit sila nagluluksa. Ako ang dahilan kung bakit namatay ang padre de pamilya nila. Ako ang dahilan kung bakit may mga galit sa puso nila.

Mas mabuting mawala na ako para kahit papaano mawala ang taong nagbigay lungkot sa masaya nilang buhay. "Para ano?" Napatitig ako sa mukha niya ng sabihin niya iyon.

Naguguluhan akong napakunot ng noo saka hinitay kung ano pang sasabihin niya "Bakit kailangan kitang patayin?" Mas napatitig ako sakanya dahil sa bintiwan niyang salita "Nico! Stop it, please anak!"

Nadinig ko pa ang pakiusap ng kanyang Ina ngunit hindi namin siya nilingon at patuloy lang sa pagtitigan. "Kailangan ko pa bang sagutin ang tanong na iyan?" Mahina kong tanong sa kanya saka siya mariing tinitigan.

Naghintay ako ng sasabihin niya ngunit wala "Ano bang mahirap intindihin sa patayin mo nalang ako?" Dagdag ko sa sinabi ko. Nakita ko ang bahagyang pag-iling niya at ang pagtawa ng mapait

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessWhere stories live. Discover now