Chapter 09: Battle

43.3K 847 19
                                    


Samantha's POV

Nandirito kami sa pwesto nila Ace dito sa UGP. Akalain mo nga namang mala VIP ang mga itlog. Ang ganda kasi ng teritoryo nila. Describe ko pa ba? sige na nga.

Nasa may bandang second floor itong place. Bawat dingding niya ay gawa sa glass kaya naman kitang-kita mo yung nasa ibaba pero hindi nila kita yung loob. Masyado ring malawak para sa limang tao lang, meron rin siyang sala kung saan may roong isang Samsung 70 inch led tv complete set. Sa dulong bahagi naman ang isang table na hindi masyadong kalakihan, katabi nito ang isang bar counter at puno iyon ng ibat-ibang klase ng alcohol beverages, may roon rin silang mini ref na punong puno ng laman. Mayaman.

Nanatili lang kami duon, as usual si Marcus at Jessica ay nagsisigawa parin. Ang iba naman ay nasa may table at kumakain ng kung ano-ano sabay inom ng alak. Lumipas pa ang ilang minuto ng makarinig kami ng isang katok duon sa glass door.

"Good evening ladies and gentleman" Nakangiting bati samin ng isang lalaki, siguro nasa late 30's na siya batay na rin sa itsura niya. May hawak itong isang folder. "What do you need?" Malamig na tanong ni Ace sa kanya, ngumiti ito at itinaas ang folder na hawak niya.

"Napag-alaman kasi namin na may balak kayong magdadagdag ng myembro at palitan ang pangalan ng grupo ninyo" Nakangiting paliwanag nito "Yes, so what's with that folder?" Nakataas ang kilay na tanong ni Lucas ang kaso, nakatutok parin sa hawak niyang iPad ang atensyon.

"This explain everything, naandito yung mga bagay na dapat gawin ng mga magiging bago niyong myembro, naandito rin ang lahat ng list ng mga gangster na kasali sa UGP, pati na rin yung mga rules and regulation ng association. Maging yung mga impormasyon para sa gaganaping laban sa pagitan ng bago niyong myembro at ng top gang bago sila makapasok sa grupo niyo" Mahabang paliwanag nito, hindi pa rin naaalis ang ngiti, napaka-amo ng mukha nito at mahahalata mong isa siyang masayahing tao.

"What? Anong laban sa pagitan ng top gang?" Naguguluhang tanong ni Kevin "Kaylangan munang makalaban ng mga magiging myembro niyo ang top gang bago sila makapasok sa UGP" Paliwanag niya. "Teka po kuyang naka-necktie—" Hindi pa natapos ni Hell yung sasabihin niya ng biglang tumawa yung lalaki.

"It's Sebastian madam" Magalang na pakilala nito sabay bow kay Hell. weird "Ahh hehe Sebastian, tanong ko lang po sana, pano kung ayaw naming lumaban?" Nakapout na sabi nito, saka muling ibinaling sa TV yung atensyon niya. Spongebob kasi yung panood.

"Simple lang, hindi kayo papayagan ng UGP na makasali at hindi na kayo makakatuntong pang muli dito" Nakangiti pa rin tugon nito. Tango lang ang isinagot namin sa kanya. "Heto ang folder, basahin niyo na lang, naandyan na lahat ng kailangan niyong malaman pati na yung mga makaklaban niyo" Sabi nito at inilapag ang folder sa mini table sa harap ni Hell dahilan para matabingan niya yung TV.

"Wag kang magtabing sa TV!" malakas na sigaw ni Hell sabay bato nung isang trow pillow sa likod niya papunta kay Sebastian. "Pasensya na po" Sa gulat marahil ni Sebastian ay napatalon pa ito at mabulol-bulol na saka siya dali-daling kumaripas ng takbo. Napailing nalang ako, Gago talaga tong si Hell, tama bang takutin niya si Sebastian?

Naiiling kong dinampot yung folder, hindi ko naman kasi maaasahan ang mga yan na basahin ito. Mga tamad pa sa tamad ang mga yan. Nakalagay dito na ang gaganaping laban sa pagitan namin at ng top gang ay magaganap pagtapos ng 10 minuto. Masyado naman ata silang excited?

Pinagpatuloy ko pa rin basahin yun, kahit na kanina ko pa gustong ibato, hmmm "Sinong gustong lumaban sa race?" Tanong ko, nakatutok pa rin sa hawak kong folder ang atensyon. "Me! I want to drive!! Me. Me. Me!" Kung kanina ay sa laman ng folder ako naiinis, ngayon ay kay Hell na!

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessWhere stories live. Discover now