Fragments of the Past

16K 298 11
                                    

awww! walang nakahula ng twist? okay, alam ko namang hindi niyo iyon inaasahan. Well pati naman ako, pumasok lang siya sa mahiwagang utak ni author kaya nagkaganun (-___-" )7.....


ito na nga pala yung kasunod, Kawasaki's Pov or mas magandang tawagin siyang Nic Jeol Park (^___^)

P.S: Jeyol ang basa po diyan


✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄



Kawasaki's POV


"And they want you dead" para akong pinompyang sa ulo ng marinig ko ang sinabi ni Papa. Hindi pa nga nada-digest ng utak ko ang sinabi niyang hindi niya ako anak at may kakambal ako dumagdag pa ang isang yun.


Tinitigan ko ng matagal si Papa ng may nagtatanong na mga mata. Sa aking murang edad ay hindi ko maintindihan kung bakit ang sinasabi niyang totoong pamilya ko ay gusto akong mawala sa mundo.


Dinig na dinig ko ang buntong hininga ni Papa dahil sa napaka tahimik ng buong silid. Lumingon pa muna siya kay Amel bago ako muling lingunin "Listen Son, you're not safe kapag ipagpapatuloy mo ang pagsunod sa batang iyon. We don't know what will they do if they found out that you're alive"


Nanatili akong nakatitig sa mukha ni Papa. Hindi ko alam kung ano ang aking ekspresyon. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o kung may dapat nga ba akong sabihin?


Hindi ko alam kung anong iisipin ko dahil gulong gulo ang utak ko, parang walang napasok sa utak ko. Parang ibang lengwahe ang sinabi ni Papa kaya hindi ko maintindihan ang sinabi niya o ayaw ko lamang intindihin iyon.


"Kawasaki, anak. I'll make it short for you, dati akong nagtatrabaho sa pamilyang Park, at may patakaran ang kanilang pamilya na dapat ay lalaki ang mauna o magmamana ng mga ari-arian ng buong pamilya. Nagkataon na kambal ang nasa sinapupunan ng iyong Ina at mahigpit na ipinagbabawal iyon." dinig ko ang marahang paghinga ni Papa saka lumingon sa kanang kamay niyang nasa gilid ko "At ikaw bilang pangalawang anak ang nais nilang mawala. They want you dead para hindi magkagulo ang pamilya Asaki"


Umiling ako. Saka pinunasan ang tumulong luha sa mga mata ko "Asaki, alam kong matalino ka at naiintindihan mo ang sinasabi ko. Balang araw ay ipapaliwanag ko sayo ng mabuti ang nangyari. Sa ngayon, gusto kong magpakabait ka at sundin ang lahat ng sasabihin ko dahil para sa iyo rin lahat ng iyon"


Tinitigan ko lang si Papa sa mukha dahil wala akong masabi, para bang biglang hindi ko alam kung paano ang magsalita, hindi rin maayos ang takbo ng utak ko at para akong lumulutang sa ere. Parang biglang nawala ang kakayahan kong mag-isip.


Naramdaman ko ang marahang pagpunas ni Papa sa mukha ko, bakas sa mukha niya ang pag-aalala ngunit wala akong maramdamang iba. Walang galit, walang sama ng loob, hindi masaya, hindi malungkot. Wala akong maramdaman, at hindi ko alam kung mabuti ba iyon o masama. Lumingon si Papa kay Amel saka ito tinanguan "Dalhin mo siya sa kwarto niya upang makapagpahinga"


Naramdaman ko nalang na naglalakad na kami papunta sa aking silid "Asaki" nilingon ko ang lalaking kasabay kong maglakad ngayon. Kitang kita ko pa ang bakas ng pagkagulat sa mukha niya "N-nothing" umiling ako saka pumasok sa aking silid ng hindi na siya nililingon pa.

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessWhere stories live. Discover now