They are f-ucking MINE!

29.3K 580 75
                                    

Hello! say hi! haha, sige na enjoy sa pagbabasa! ahh, hindi pa ito naiiedit okay? so asahan ang madaming typos :

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄  ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Hellia's POV

"Mommy, how do Wind look?" nilingon ko ang anak kong kanina pang kumakalabit saakin. Nakangiti ito ng abot tenga habang nakaturo sa sarili. Pinagtaasan ko siya ng kilay at sinuri ang suot niya. He’s wearing a checkered long sleeve polo na color red na tinupi hanggang siko saka pinaresan ng itim na maong shorts. I smiled at him saka hinawakan ang pisngi niya "Of course you look great honey" nakangiting sabi ko. Ngumiti naman ulit siya saka tumakbo papuntang salamin at inayos muli ang buhok.

"Mommy, how about Skye?" muli akong lumingon sa likuran ko para tignan naman ang isa pang anak ko na nangungulit. Nakasuot siya ng itim na T-shirt na may print na "Im the man" saka pinaresan ng dark red na pants at itim na converse. I kiss him sa noo saka ngumiti "Pogi" nakangiting sabi ko. Ngumiti naman siya ng malawak saka ako hinalikan sa noo. Bago siya tumakbo sa tabi ng kakambal at nag ayos rin ng buhok.

Pinagmasdan ko silang mabuti. My two angels, they are my reason kung bakit patuloy akong ngumingiti kahit masakit ang iniwang sugat ng kanilang ama saakin. "They really look like him, kahit saang anggulo mukha niya ang nakikita ko" napabuntong hininga ako sa tinuran ni Samantha. Tama siya. Sa unang tingin palang alam mo na kung sino ang tatay nila, kuhang kuha nila ang facial features nito. Mula sa mga mata nitong malalalim na kapag tumitig ka ay para kang hinihigop sa ibang dimensyon, sa matangos at perpektong ilong nito, sa hugis ng mukha at saka sa manipis at kulay pink na labi niya. Yung kulay at kutis lang ata ang namana nila saakin saka ang buhok nilang may pagkakulot ng onti "Wala ka bang planong ipaalam sakanya?" umiling ako saka tumayo mula sa pagkakaluhod ko "You already know the answer Sam" saka ko siya tinitigan ng mariin. Hindi ko kayang sabihin sakanya na may mga anak kami.

Paano nalang kung kunin niya ang isa sakanila saakin? Hindi ko makakaya iyon. Nasanay akong dalawa sila sa tabi ko, hindi ko kakayaning mawala ang isa sakanila. Hindi ko maatim na makitang umiiyak ang isa sakanila dahil sa magkalayo sila sa isat isa. Masakit saakin iyon bilang ina. "Yes, i know Hell. But dont you think its unfair for him?" umiling ako sa sinabi niya "Hindi ba unfair yung ginawa niyang panloloko saakin Sam?" tinalikuran ko na siya bago pa siya makapag salita ayokong makarinig ng kahit ano tungkol sakanya. Wala na akong pakealam sakanya. Magsama sila ng babaeng iyon, ayos lang basta hindi niya ilalayo ang mga anak ko saakin

"Mommy? Why are you sad?" ngumiti ako saka hinalikan sa pisngi ang dalawa "No honey, just remember something. Ano lets go?" napangiti ako ng sabay silang tumango saakin saka hinila ang kamay ko palabas ng silid.

 

"im so excited!" nakangiti ang dalawa habang pababa kami sa hagdan "Me too!" napapailing nalang ako sa pinapakita, napakahyper talaga nila tuwing lumalabas kami para magshopping."Hey, take care. Yung pasalubong ko okay?" tinanguan ko si mommy "Hmm. Bye bye mama!" nakangiti rin itong tumango saka muling pumasok sa kusina.

Pagkarating namin sa garahe nakangiti parin sila. Napailing nalang ako ng makita ko ang dalawang bagong sports car na pasalubong ni Kuya sa dalawa. Naalala ko pang sobrang iyak ng dalawa dahil hindi daw nila kayang laruin yung sasakyan dahil masyadong malaki. Hindi daw nila mabuhat, natatawa nalang ako tuwing naaalala ko kung gaano kataranta si Ani para patahanin ang dalawa dahil todo ang iyak at reklamo nila rito.

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz