Chapter 54

18.6K 401 29
                                    

Hi? Haha, Nope~ hindi pa siya tapos ^__^ pero malapit na hehe~

Here's the next chapter at sa totoo lang ay meron pa tong part II dahil sobrang haha naman diba kapag itinuloy-tuloy ko pa :)


Hello sayo shinhyein21 Kaway away :D


Enjoy guys! L.O.V.E Lots~


Not Yet Edited (-___-" )V

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄  ✄


Nic's POV


"Don't take away me Jeol" Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang sinabi niya. Bumibilis rin ang tibok ng puso ko na para bang kakagaling ko lamang sa isang marathon.


Sinulyapan ko ang mukha niyang nakakunot,"Ano ba talaga ang totoo? Sino ang nagsasabi ng katotohanan? Sino ang paniniwalaan ko?" Naguguluhan ako.


Hinablot ko ang kamay ko sa mahigpit niyang pagkakahawak saka sinapo ang ulo ko, para itong pinupukpok ng paulit-ulit dahil sa sobrang sakit nito.


Idagdag pa ang pananakit ng katawan ko kaya hindi ako makapag-isip ng maayos. Muli ay sinuyapan ko ang mukha niya, may tumutulong luha sa kanyang nakapikit na mata habang paulit-ulit na sinasabing wag akong ilayo.


*beep* *Beep*


napasulyap ako sa heart monitor ng magsimula itong mag-ingay dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko, muli ay sinapo ko ang aking ulo dahil sa sobrang sakit nito. Hinila ko ang mga chord na nakakabit sa aking katawan, maging ang suwero ay tinaggal ko rin.


Mainggat akong bumangon upang hindi siya magising. Kailangan akong makaalis rito at hindi dapat nila malaman iyon, dahil hindi ko alam ung anong mangyayari saakin.


Kailangan kong malaman ang katotohanan. Nilingon ko ang sofa at pinagmasdan ang taong natutulog duon, si Nico, ang aking kakamabal.

Sinipat ko ang mukha nitong nakaharap sa akin. Ang paghinga nito ay payapa, senyales na masyadong malalim ang pagkakatulog niya.


Napahawak ako sa ulo ko ng muling kumirot iyon saka napasandal sa pader na malapit sa pintuan. "I need to get out of here" Mahinang usal ko saka dahan-dahang naglakad palapit sa pinto.


Nakaalalay ang mga kamay ko sa pader na nilalakaran ko habang tinatahak ang mahabang pasilyo. Yumuko ako ng may makasalubong akong nurse saka nagkunwaring sinisipat ang aking paa.


Nagpalingon lingon ako sa paligid ng makarating ako sa dulong pasilyo saka napakunot ang noo "Nasaan ang exit dito?" Mahinang asik ko sa sarili saka nilingon ang kaliwa at kanang pasilyo.


"P-este!" Mahinang mura ko dahil hindi ko alam kung saan ako tutungo. "Excuse me Sir? May problema po ba?" Napayuko ako ng may nurse na lumapit saakin saka kinamot ang aking noo upang hindi nito makita ang aking mukha.

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora