Welcome Back Young Ladies

35.7K 573 42
                                    

hi, hindi pa ito naiedit so pasensya po sa mga error :[

 

Samantha's POV

Welcome back! i really miss this country! it’s almost a month’s na rin nang last kaming makatapak dito, at yun nga yung araw na pinatalsik kami papuntang pilipinas

haha, every time sumasagi sa isip ko iyon hindi ko mapigilan ang humagalpak ng tawa! pano kasi naaalala ko rin kung paano magdrama yung mag-amang Park sa Van at Airport!

"haahh!! i miss you Japan!" napailing ako sa malakas na sigaw ni Jessy, nasa Airport palang kasi kami dahil kabababa palang namin sa eroplano, kung makasigaw ang hayup akala mo walang jetlag, at oo tinawag kong hayup si jessy dahil itinakas lang namin siya sa zoo para may alaga kami, saka pinagtitinginan na kami ng mga tao dito, akala siguro mga artista kaming may bitbit na siraulo, siraulong hayup. pano nakataas pa kasi yung kamay ni Jessy habang natalon talon na naikot. Feeling niya nasa teleserye siya kung saan sasalubungin siya nung prince charming niya ng isang mahigpit na yakap kaya pabayaan nalang natin. baliw yan ehh

"haay, i miss this place too" nakangising sabat naman ni Alexa at bahagyang inayos yung suot niyang shades. hinawi niya rin sa kamay niya yung buhok niyang bagong kulay ng blonde. Bumagay naman sa kanya dahil mukha siyang kabayo Lol joke lang, maganda talaga si Alexa kaso siya lang nakakaalam na maganda siya haha!

"hmmm ako rin" nakangiting sabat rin ni Denzel, she's fixing her nerdy glasses while holding her IPad Air saka pinasak sa tenga niya yung malaking headset. tss di palang mabingi, halos singlaki na kasi ng ulo niya yung hedset niya, well i know masyado ako O.A duon haha, saka kung nagtataka kayo bakit ganyan outfit niya, kasi trip niya lang daw. Sabagay bagay naman sakanya, mukha siyang Betty Lafeia na walang brace at hindi kulot wahaha.

inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng Lugar. medyo malamig lamig narin dito, ibang iba sa klima ng pilipinas na napakainit. "hoy timang, hindi ka pa ba tapos dyan na magtatatalon at maiikot ikot na parang isang bulateng nasabuyan ng asin?" taas kilay na tanong ko kay Jessy. Sa aming Lima ako lang ang matino, syempre maganda ako ehh wahah! Walang basagan ng trip kung ayaw niyong yung mukha niyo ang basagin ko. saka masyado na kasi kaming nakakaagaw ng atensyon ng mga tao rito dahil sa kabaliwan ni Jessy kaya sinuway ko na. baka maya maya magtawag na sila ng mental dahil sa pag aakalang baliw talaga si Jessy

"hehe, actualy Sammy hindi pa, gusto ko pa nga sanang tumakbo habang sumisigaw ng home sweet home sa buong airport ehh, pero dahil pagod ako sa byahe natin. uwi nalang tayo" napailing nalang ako sa sagot niya. gaga talaga. saka pasalamat nalang tayo at pagod siya, dahil kung hindi tototohanin niya yung sinabi niyang hindi pa siya titigil sa pagtatalon talon na parang isang palaka. isa rin kasi si Jessy sa may mga saltik sa utak ehh

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon