Chapter 07: Demon's week ☠ (Part II)

51.3K 994 105
                                    


Kevin's POV

"Haha! Ang galing! Hihi isa pa! Gusto ko pa!" Napatampal ako sa noo ko dahil sa malakas na sigaw ni Hell saka napailing. Wala ang magaling naming profesor kaya naman ay nandirito ulit kami sa tambayan namin.

Napatawa ako ng mahina saka napa-iling, dapat nga ay mag-saya kami dahil wala kaming klase pero, napasulyap ako kay Hell saka muling napailing. Pakiramdam ko ay maaga akong mababaliw dahil kay Hell.

"Ahh pagod na ako" Napasulyap ako kay Tanda ng padabog niya iyong sabihin. Isa lang ang masasabi ko dahil sa itsura niya, nakaka-awa siya, dinaig niya pa ang pulubi dahil sa sobrang dungis niya. Kadiri.

"Ayaw mo na akong kalaro?" Mahina lang ang pagkakatanong ni Hell pero dahil nga sobrang tahimik ng lugar, dinig ko iyon hangang sa kinatatayuan ko. Napailing nalng ako ng makita kong tumayo si Tanda mula sa pagkakasalampak niya sa sahig.

Halos madapa-dapa at mahalikan niya pa yung sahig sa kakamadali. Mabilis akong tumalikod sa kanila at bago pa man ako kapasok sa kusina ay napasulyap ako sa kalendaryong naksabit sa ding-ding.

Today is Friday at talaga namang ipinagpapasalamat ko iyon ng sobra-sobra dahil nalagpasan at nakayanan namin ang laro ni Hell sa buong lingo. Hindi naman kasi biro ang mga ipinagawa niya sa amin. Pucha! Dinaaig pa namin ang mga artista sa dami ng role-play.

Flashback

"Pare, parang natatakot ata akong pumuntang room ngayon" Kahit hindi ko lingunin kung sino ang nagsalita ay alam kong si tanda iyon. Nadidinig ko pa ang nakakadiri niyang pagnguya at ng lingunin ko siya ay chips ni Marcus ang nilalantakan niya. Napailing nalang ako, mag-aaway nanaman sila mamaya.

"King-ina ako nga rin eh, iba yung pakiramdam ko, parang may hindi magandang mang-yayari" Mula sa kanan ni Tanda ay si Marcus na umiiling at naglalaro ng PSP. Kaya hindi niya napapansin na unti-unti ng nauubos yung pagkain niya eh.

"Ang kaso Hindi tayo pwedeng um-absent ngayon" Mahinang sabi ko saka tumayo at sinenyasan ang isang waiter para magdala ng tubig sa table namin. "Bakit?" Napasulyap ako kay Lucas saka napataas ng kilay.

Nakiking pala ang isang to? Akala ko naman ay hindi dahil sa sobrang pagka-busy sa pagdudot sa iPad niya. Napailing nalang ako, hindi na siya nagsawa. Kulang nalang siguro ay marriage certificate para hindi na sila maghiwalay ng iPad nayan

"Stupids! How could you f-ucking forget our f-ucking punishment?!" Ngayon naman ay si Ace ang nilingon ko. Nakakunot ang noo niya at seryoso ang ekspresyon ng mukha. Asarin mo lang siguro to minsan ay talagang sasabog na at itatapon ka na niya sa Bermuda triangle.

Padabog akong umupo sa upuan ko saka inis na napakamot sa batok ko ng maalala ko yung punishment namin. Ayos lang sana kung si Mommy ang nagparusa sa amin pero dahil kay Tita Ceci unang nakarating ang balita tungkol sa nasirang classroom siya ang nagbigay ng parusa.

Wondering whose Tita Ceci? Siya lang naman ang nakakatakot na Mommy ni Ace. Masyado siyang mainipin at kakaunti lang ang pasensya, masama ang ugali as in masamang masama at madaling mapikon at grabe kung magparusa.

"Sh-it! Oo nga pala" Halata sa boses ni Tanda ang pagkainis habang kinakamot ang batok. Hinablot rin nito ang supot ng chi-chirya ni Marcus saka ibinuhos ang lama nuon sa bunganga niya.

"F-uck! Mamatay tuloy! Teka nasan na yung pagkain ko?!" Napapailing ko nalang na nilingon si Marcus matapos nitong bangasan si Tanda. Mabilis na tumayo si Ace na sinundan ko maging ni Lucas.

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessWhere stories live. Discover now