Chapter 02: Pictures

93.8K 1.4K 171
                                    

Jessica's POV

Naisip ko yung mga pictures. ano na kayang mangyayari saamin ?? sana maging maayos ang lahat .......... Sana

Sa kakaisip ko ng mga pictures ay bigla tuloy nag flashback sa akin yung nangyari nung isang araw

'Flashback'

Nandito kaming lima sa secret room namin dito sa bahay, walang nakakaalam dito maliban saming lima, secret nga hindi ba? Saka oo, may secret room kami, ganun talaga kapag mayaman ka at kung naiinggit ka, pwes magpayaman ka.

Kaya namin ito tinawag na secret room ay dahil dito namin itinatago lahat, as in lahat ng gamit namin na hindi pwedeng makita nila mommy, nandito rin lahat ng damit na dapat naming suutin sa tuwing napunta kami sa Under Ground Palace oh mas kilala bilang UGP.

"Sam sino ba daw yung malas na nakabunot sa pangalan ng grupo natin nung nakaraang bunutan?" Tanong ni Hell habang busy sa pagbibilang nang mga color pens niya, mahilig kasi siya rito. Marami na nga ring collection yang bruhang yan at kahit parepareho na yung kulay nabili parin siya, katwiran naman niya iba daw yung tatak nung nabili niya nung una.

Siya ang pinakagastodera sa grupo namin. Kahit anong bagay na magustuhan binibili kahit na wala namang katuturan ang mga iyon. Pero wala eh, mayaman kaya hindi maubusan ng pera. Saka wala na tayong magagawa duon, tanga yan eh.

"Hindi ko pa nga rin alam, wala pang sinasabi. Itanong mo kay Denzel baka alam niya" Balewalang sagot naman ni Sam habang nainom ng pineapple juice, ayaw niya ng soft drinks hindi raw kasi healthy pero pag makatungga/nainom ng alak akala mo Vitamin C yung nainom at paramihan pa sila ng mainom ni Hell

"Oy Denzel tignan mo nga kung sino yung mga malas na yun" nakatawang sabi ay mali Utos pala ni Hell "Oyy penge nga nyan" Bastos na sabi pa nito sabay lapit kay Alexa na nakain ng Piatos. tamo tong mga bruha na to ako nabili nun pero hindi man lang ako bigyan

"Maka oyy naman to! May pangalan ako impkta" Sagot ni Alexa sabay higit pabalik nung piatos na akala mo siya yung nabili nun

"Teka saglit at iha-hack ko yung site" Napabaling naman kay Denzel ang atensyon ko ng magsalita ito. Nakaharap ito sa screen ng computer habang seryosong nagta-type.

Sa kanan naman ng computer na gamit niya ay ang laptop niya tapos sa lap naman nito ay nakapatong ang isang IPad. Kung hindi rin abnormal ang isang ito eh. Kay daming gadget yung nasa harapan at akala mo mauubusan.

Kulang nalang ay magpalit sila ng mukha nung screen ng monitor niya talagang ikakatuwa ko pag nagkataon!

Kung nagtataka naman kayo bakit kaylangan pa ihack i Denzel yung site ng UGP, yun ay sa kadahilanang bawal malaman kung sino ang nakabunot oh makakalaban nang grupo niyo kapag ordinary fights lang, pero as you can see wala sa bukubularyo namin ang salitang bawal kaya naman hina-hack namin yung site, hindi naman kami nahuhuli ng UGP kaya ayos lang!

"Eto na nakita ko na. Graveyard ang pangalan nang grupo nila. Ayon dito sa impormasyong nandito ordinary Gang lang sila, wala sila sa Top 5 at tanging sa top 10 lang sila pasok so ibig sabihin madali lang matatapos yung laban natin mamaya" Walang ganang sabi ni Denzel

"Ayy kemalas naman nila! Pero ano, type ko yung pangalan nila Graveyard hehe, parang pang halloween. Masarap sigurong ipang display sa November yung mukha nila"

'Flashback ends'

Yung unang picture na nasa folder ay sa secret room nakuhanan. Hindi ko nga lubos maisip kung paano nakuhanan at nalaman ni Kuya Nico ang kwartong iyon dahil bukod sa secret door ang kailangan mong pasukan ay may passcode pang kailangan bago ka makapasok.

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessOnde histórias criam vida. Descubra agora