A Farewell

27.8K 497 30
                                    

Not yet Edited :3

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄  ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Third Person POV

"Sh-it"

Mariing napamura si Dallen ng kamuntikan na siyang madaplisan ng bala sa mukha. Umupo ito saka isinandal ang likuran sa pader para magtago sa mga balang walang tigil na pinapaputok ng mga kalaban "F-uck! Muntik ng madaplisan ang napakagwapo at napakakinis kong mukha duon ah!"

Mariing sabi niya saka hinaplos haplos ang pisngi kung saan kamuntik na siyang tamaan. Napabuntong hininga pa siya ng masiguro niyang wala siyang sugat sa mukha "Bwiset! Daplisan niyo na ang matcho kong katawan wag lang ang gwapo kong mukha!kahihiyan iyon sa mga poging katulad ko!"

Malakas na hiyaw nito sa mga kalaban nila saka muling kinargahan ng bala ang hawak na baril. Napailing naman sila Nico at Hell ng marinig ang walang kwentang sigaw nito "Mayabang talaga" naiiling na bulong ni Hell saka nagumpisa nanamang magpaputok sa kalaban. "Insecure ata tong mga walang hiya na to sa kagwapuhan ko ah! Badtrip!"

Nakakunot noong bulong ulit ni Dallen matapos dumami ang mga balang natatanggap ng pader na sinasandalan niya "Tama lang naman na ipagsigawan kong gwapo ako ah!" dagdag na bulong pa nito saka mas isinandal ang sarili sa pader "Buti nalang maypagkamatibay tong pader" naiiling sa sabi pa niya.

Magtatatlumpung minuto na ang nakalipas ng sugurin sila ng mga kalaban nila sa mafia, at hanggang ngayon ay hindi parin maubos ubos ang mga ito kahit marami rami narin silang napapatumba sakanila "Ano ba to?! Boy's scout?! Saan nila nakuha yung mga tauhan nila at hindi maubos?! F-uck, unlimited suply lang?!"

Naiinis na bulong naman ni Nico sa sarili niya matapos niyang magtago sa pader at mapatumba ang apat na lalaking kabarilan niya kanina lang. Napailing siya saka inilibot ang paningin sa buong bahay. Ang kaninang napakagandang bahay ay sirang sira na at punong puno na ng butas gawa ng mga tama ng bala

Basag basag narin ang ilan sa mga mamahaling gamit na nakadisplay kanikanina lang sa lugar. "They will pay for this, big time!" naiinis na bulong niya saka naghagis ng smoke bomb sa lugar ng mga kalaban niya bago siya lumabas at pinagbababaril ang mga ito.

Muli siyang umupo at nagtago sa pader ng maubos ang bala ng baril nito saka kinontak si Hell "Ligatas na ba sila Skye at Wind?"

"yeah, nakaalis na sila sa lugar. Nasa safe house na sila kasama sila Ace"

Pinuno ng ni Hell ng bala ang baril nito matapos siyang maubusan. Napangisi narin siya dahil alam niyang ligatas na ang mga anak niya at hindi na siya kaylangan mag-alala dahil alam niyang pro-protektahan sila nila Denzel at Jessica.

Isa pang dahilan ay alam nihang ano mang oras ay darating narin sila Samantha at Alexa para tulungan silang iligpit ang mga kalaban nila, pero alam niyang hindi dapat sila makampate kahit alam niyang mas lamang sila dahil hindi naman ganoon kagaling ang mga tauhan ng kalaban

Napalingon silang lahat ng makarinig ng pagsabog sa bandang kaliwa nila kung nasaan nakaupo at nakangisi si Nicolo na hawak hawak pa ang pin ng bombang inihagis nito.

Ayaw sana niyang gamitin iyon dahil masydong maingay at masakit sa tenga pero nawawalan na siya ng pasensya at isa pang dahilan ay napapagod na siya. Kararating lang nila kaninang hapon galing sa Japan at wala pa siyang tulog at pahinga

Nilingon nito ang asawa niyang nakangisi at naiiling nalang dahil sa ginawa niya bago ibinaling ang tingin kila Hell at Nico na parehong nakangisi dahil sa kagagawan niya. Sunod niyang nilingon si Dallen na hangang ngayon ay patuloy lang sa paghaplps at pagtingin sa mukha niya sa dala nitong compact mirror

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessWhere stories live. Discover now