Chapter 13: 1234 I love you!

34K 631 24
                                    



Samatha's POV

Ipinikit ko ang mga mata ko saka minasahe ang temple ko "May boyfriend na si Lia, may boyfriend na si Lia, may boyfriend na si Lia, may boyfriend na si Lia" Kanina pa niya inuulit yan at pakiramdam ko, konti na lang, masasapak ko na si Hell.

Hindi ko alam kung ano at paanong nangyari. Malamang nauntog si Ace kaya niya hinarana at niligawan itong siraulong isip bata na kasama namin. Napabuntong hininga ulit ako, aba! Isang lingo palang siyang niligawan, sila na! PBB-teens! May pagkamalande?! Ganun?!

Nilingon ko si Hell saka sinamaan ng tingin "Ano ba Hell. Oo na may boyfriend ka na kaya please lang, tumigil ka na" May tono ng pagkainis na sabi ko. Feeling ko matutuliling ako sa paulit-ulit na chant niya.

Tinitigan ko si Hell saka napanguso, kahit na naiinis ako dahil kanina pa siyang amingay. Masaya ako para sa kanya at saka naiinggit ako! Uwaahh! Ang sweet sweet kaya ni Ace kay Hell, parang kulang nalang habulin sila ng mga bubuyog at langgam sa sobrang ka-sweetan.

At tuwing naaalala ko kung paano nangligaw si Ace kay Hell hindi ko mapigilang kiligin ng todo! Grabe, hindi ko akalain na may ganung side si Ace dahil puro tulog at pagsusungit lang ang nakikita kong ginagawa niya.

Akala ko mananatili na lang siyang ganun. Para kasi siyang bato sa sobrang tahimik at aakalain mong walang Ace sa paligit Para rin siyang babaeng may dalaw sa sobrang sungit at pagkaseryoso!

Biglang pumasok sa utak ko si Kevin. Sweet rin kaya yung bading na yun? Paano kaya siya manligaw? Sweet at ma-effort din ba kagaya ni Ace? Napatigil ako s apag-iisip at biglang nanlaki ang mga mata ko. Ano bang iniisip ko?! Kadiri ahh! Hindi ko pinangarap na maligawan ni Kevin, pero kung may chance, why not? Che! Este never mind!

"Anla! Naiinggit ka lang kasi Sammy, ikaw kasi wala pang boyfriend, pero si Lia meron na" Tinitigan ko si Hell ng blangko saka inirapan. Pwede bang mabatukan ang isang to? Hindi naman siguro maalog ang utak niya dahil wala naman siya nun hindi ba?

Saka, wala naman sigurong batas na nagsasabing bawal sumapak ng tao hindi ba? Para kasing gusto ko siyang sapakin na yung tipon knock out siya ng 1 week! Aba, ipagduldulan ba namang wala akong boyfriend ang walang hiya!

"Hoy! Sinong maiinggit sayo?! L-etche! Diyan ka na nga" Itinuro ko pa talaga siya saka pairap na nilayasan. Padabog pa akong naglakad palayo sa kwarto niya pero bago ko maisara ng tuluyan may pahabol pa talaga ang gaga!

"I-boyfriend mo na kasi si Kevin Sammy" Napairap ako sa sinabi niya saka malaks na isinara ang pinto. Pano ko naman sasagutin yung bakla na iyon eh hindi naman ako nililigawan?! L-etse talaga!

"Sam ilan nakain mong sili at ang pula ng mukha mo?" Isa pa itong si Alexa sa mga taong masarap hambalusin ng tabla sa mukha. Inirapan ko siya saka iniwang nakatayo sa may hagdan saka nagpuntang kusina, kakain na lang ako. Sa pag-upo ko sa table, hindi ko maiwasang alalahanin yung nangyari.

"Good evening. My name is Ace and I am here in front all of you to sing a song for a very special girl" Nagtinginan kaming lima ng magpunta sa harapan ang grupo nina Ace. May nakahandang stage duon at may mga instruments. Nandito kasi kaming lahat sa mall, naggagala dahil naboboring na daw sila sa bahay.

"Anong meron Sammy?" Takang tanong ni Hell sa akain na may kasama pang kalbit sa balikat ko. Tinaasan ko siya ng kilay "Malay ko" Bored na sagot ko saka humalukipkip. Hindi ba obvious na wala akong alam sa ginagawang kalokohan nina Ace at ako pa talaga ang tinanong ng babaeng ito.

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessWhere stories live. Discover now