Ambush

30.7K 511 34
                                    

hi! an early New years gift :)) hope you guys enjoy!!

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄  ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Ace's POV

Nakangiti lang akong nakasulyap sa kambal habang naglalaro sila. Pasulyapsulyap pa sila paminsan minsan sa pwesto ko kaya hindi ko mapigilan ang pagngisi ng malawak. Dalawang oras at mahigit na ata kaming natambay dito sa opisina ko.

Medyo nagkakaayusan narin naman sila Kevin pati ang kambal na Baliktad at sila Samantha. Naipaliwanag narin saamin ng maayos ang dahilan kung bakit nila nagawang itago ang kambal at bakit sila basta basta nang-iwan noon.

"Daddy" napangiti ako ulit ng tawagin nila ako ng sabay. Ang sarap pala sa pakiramdam na tawagin kang daddy ng mga anak mo. It felt like I’m on a f-ucking cloud nine. Hindi ko maipaliwanag yung saya ko sa tuwing niyayakap at hinahalikan nila ako sa pisngi

Sh-it! Hindi naman siguro ako nababading hindi ba?! Kung kelan pa ako nagkaanak saka ako mababading?! T-angna, hindi ko ata tanggap yun! "Im Ishleepy (Sleepy)" nabalik ako sa reyalidad ng sabay silang nagpakarga at naupo sa lap ko. Napangiti ako saka parehas na hinaplos ang likod nilang dalawa

"Okay sleep Son" nakangiti kong sabi. Tinitigan ko sila, wala akong makitang pagkakaiba sa mukha nila. Kahit isang nunal manlang sanang palatandaan ay wala. Maging boses at kilos nila parehong pareho. Napailing ako, nakakahiya mang aminin pero hindi ko maituro kung sino ang Wind at Skye sa dalawa dahil sa magkamukhang magkamukha at magkaparehong pareho sila.

"Lets go home Hell" napalingon ako kila Samantha ng magsalita siya. Tumango naman si Hell saka ako tinignan "Uwi na daw kami sabi ni Sammy" ngumiti ako "Can i come?" tanong ko, punong puno ng pag-asa ang boses ko.

I want to sleep beside my children, parang ayaw ko na ngang mahiwalay sakanila. Natutuwa ako, sa loob ng limang taon na nagmukmok at inisip kong sana kasama ko si Hell, ngayon natupad na. Kaya gagawin ko ang lahat makasama lang sila, si Hell. Ang pamilya ko.

Nilingon ko si Samantha ng tumango tango siya. "Malawak naman sa bahay. Pu-pwede kayong tumuloy roon" napangiti ako. Maging sila Kevin na katabi si Samantha ay ngising ngisi na parang isang asong nababaliw. Napailing nalang ako saka binuhat ang isa sa kambal. Lumingon ako kay Kevin para magpatulong na buhatin ang isa.

Ang liit liit nila pero ang bibigat, halatang alagang alaga sila.

---

"Wait up, stay here. Samantha" napakunot ang noo ko dahil sa biglang pagbabago ng mood nila. Masyado silang tense at nakatingin lang sa bahay nila na wala namang kailaw-ilaw manlang "Why?" takang tanong ko. Umiling lang naman siya "just stay here. Jessica, Alex. Look after them. Denzel, you know what to do" tumango lang naman sila sa sinabi ni Samantha. Nagkatinginan kami nila Kevin na walang kaalam alam sa nangyayari.

Tinitigan lang namin si Hell at Samantha na maglabas ng tig-isang itim na briefcase. Mula roon ay naglabas siya Hell ng dalawang baril. Ganon din ang ginawa nila Samantha kaya mas lalo kaming nagtaka sa ikinikilos nila.

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessWo Geschichten leben. Entdecke jetzt