Chapter 14: SaVin

33.7K 634 43
                                    


Samatha's POV

"Sammy!" Napairap ako ng madinig ko ang nakakainis at malakas na sigaw ni Hell galing sa itaas. Kamuntikan ko pang itaas yung kamay ko at pakyuhan yung pintuan ng kwarto niya dahil sa inis ko pero dahil mabait ako, hindi ko na ginawa.

Kung nagtataka kayo kung anong meron, aba! Magdiwang! Demons week lang naman po ngayon! Oh hindi ba ang saya-saya! Letche! Kelangan ko pa atang bumili ng mga baloons at cake para iparamdam ang kagalakang nararamdaman ko!

Muli akong napairap sa kawalan ng mapatingin ako sa kalendaryo, mabuti na lang at last day na ngayon. King ina lang! Hindi ko maiwasang mapamura tuwing naaalala ko yung first day niya ngayong month!

Ipahabol lang naman kami ng mahal na reyna sa asong ulol na nasa kanto! Letche kasing Matanda yun eh! Inagaw ba naman yung lollipop na hawak ni Hell! Buti nga at kamuntikan siyang makagat. Kung hindi ko alng binato ng sapatos yung aso malamang asa mental na yung Dallen na yun dahil sa rabies!

Alam kong may batas na bawal manakit ng aso, pero ng dahil sa kaabnormalan ni Dallen, sinuway ko yung batas! Letche! Kamuntikan ko pang basagin yung pagmumukha ni Hell pero dahil nga demons week ay yung may kasalanan na lang na si Dallen ang pinagbalingan namin. Kung alam niyo lang kung anong hirap ang dinanas ni Dallen sa kamay namin. Ni hindi na nga rin lumapit yun kay Hell. Tsk tsk!

"Ano na naman yun?" Feeling ko gusto kong masuka dahil sa napakalambing ng boses ko at plastik na ngiting nasa mukha ko. May rule kasi tuwing demons week, wag na wag mong susungitan itong si Hell kung away mong mamatay ng maaga. Baka mamaya, hindi na lang aso ang maghabol sayo, baka lion at tigre na!

"Gusto kong tocino Sammy" Hirap man ay pinigilan kong umirap saka siya nginitian ng pagkatamis tamis na sinuklian rin niya ng ngiti. "Sige pero matulog ka muna okay?" Nakangiting sabi ko sa kanya, tumango naman ito at agad na nahiga sa kama niya. Tinulungan ko pa siyang ayusin yung kumot niya bago ako lumabas sa kwarto niya.

Letche! Tocino na naman! Napabuntong hininga na lang ako ng lumabas ako sa silid niya. Sa totoo lang nasusuya na ako sa letcheng tocino na yan! Sino bang nag-imbento ng pagkain na yan at ng masakal ko!

King ina! Pano ba naman buong week simula magkaroon siya puro na lang tocino! Tocino sa umaga, tanghalian pati meryenda namin tocino tapos sa gabi tocino ulit?! Letche! Hindi marunong magsawa ganun? Paulit-ulit?!

Kaimbyerna, hindi naman kami pwedeng magreklamo at humindi dahil nung minsang ginawa namin yun halos salubungin na namin ang gate ng impyerno! Pano ba naman sinunod yung kusina dahil lang sa hindi nasunod yung gusto niya, eto kasing bruhang si Jessica hotdog ang iniluto imbes na tocino. Takte lang! Pangalawang beses na nasunog yung kusina! Ang hirap pa naman ding amuhin ng walang hiyang si Hell!

"Huhulaan ko, tocino again right?" Kunot noong tanong ni Alexa na sumalubong sa akin pagkababa ko ng hagdan. Tinaasan ko siya ng kilay saka inirapan "B-itch please" Walang gana kong sagot saka nagderetsyo sa kusina.

Ipaghahanda ko pa ng pagkain ang reynang si Hell. Padabog kong binuksan yung pinto ng Fridge. Badtrip, bakit ba may ganitong abnormal side si Hell?! Tuwing naiisip ko yun hindi ko maiwasang icompare si Kuya Nico sa kanya dahil si Kuya Nico, normal.

"Matagal na nga pala siyang abnormal" Naiiling na sabi ko ng maalala ko si Tito Nicolo, nagsasasayaw pa yung imahe ni Tito sa utak ko ng makarena kaya hindi ko maiwasang matawa. Matapos kong mailuto at maihanda yung pagkain ni Hell ay agad ko iyong iniakyat sa kwarto niya.

Para paggising niya, kakain na lang siya saka matutulog ulit. Tinitigan ko yung natutulog na mukha ni Hell, mukhang anghel, paggising abnormal ang demonyo. Tsk tsk. Naiiling na lumabas ako ng kwarto niya, kawawa naman yung future son and daughter ni Hell, baka lumaking abnormal din gaya ng Nanay.

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessOù les histoires vivent. Découvrez maintenant