Chapter 08: Gangster's Palace

48K 1K 32
                                    


Samantha's POV

Today is Saturday kaya naman nang-gugulo kaming lima sa pamamahay nung limang itlog. Well wala naman kasi silang choice dahil kung hindi nila kami papatuluyin hindi sila makakakain ng ibang pagkain maliban sa noodles at hotdog.

"Ano ba, duon ka nga! Akin to!" Napapailing nalang ako habang nakasulyap kina Marcus at Jessica na nag-aagawan sa remote ng PS3. "Ako nauna dito!" Pabalik naman na sigaw ni Jessica saka ito nakipaghilaan kay Marcus.

Para silang tanga dalawa na nag-aagawan sa isang remote control. Kanina pa din sila nag-iingay na akala mo wala silang ibang kasama dito sa sala at kung makapagsigawan sila ay dinaig pa ang mga taong taga bundok.

"Akin nga yan!" Marcus

"Wala akong pakialam basta ako nauna!" Jessica

"Ako ang may-ari niyan" Marcus

"Wala sabi akong pake!" Jessica

Para silang aso't pusa kung mag-away, langis at tubig na hindi magkasundo. Hindi ba nila napapansin na may iba silang kasama? Na nakakairita ang pag-sisigawan at pagbabatuhan nila ng mga gamit?!

"Ano ba yan?! Bakit ba hindi ako makalipat sa score na one?!" Nalipat ang atensyon ko kay Alexa ng sumigaw ito, Kasabay pa ng malakas na sigaw niya ay ang pagkawasak ng iPad dahil sa lakas ng pagkatapon niya .

Inihagis niya lang naman ito sa ding-ding, tinitigan ko ang iPad na kulay Black saka napailing kung hindi ako nagkakamali, hindi sa kanya ang iPad na iyon. "Sinong may gawa niyan sayo?!" Napatapik ako sa aking noo ng may sumigaw sa likuran ko.

Kasunod ng sigaw na iyon ay ang nagmamadaling mga hakbang na parang tumakbo. SI Denzell na ngayon ay nasa harap na ng iPad na inihagis ni Alexa.

Nilingon ko ang babaeng salarin sa pagkawasak ng iPad ni Denzel at ang bruha ayun kampanteng kumakain ng cookies na ibinake nila Kevin na para bang walang naririnig na Denzell na kulang nalang maglupasay na sa sahig dahil sa sinapit ng kawawa niyang iPad.

"Ano ba bitawan mo sabi!" Jessica

"Ayoko! Ikaw ang bumitaw!" Marcus

"Yung iPad ko huhu" Denzell

Sumasakit ang ulo ko dahil sa ingay nila, para silang nakalunok ng mga megaphone dahil ang lalakas ng boses nila. Para pa silang nagkukompetensya at nagpapalakasan talaga sila sa pag-iingay.

Yumuko ako saka sinapo ang ulo ko, konting konti na lang at baka makasapak na ako ng wala sa oras kapag pinagpatuloy pa nila ang ingay nila.

"F-ucking shut up!" Kamuntikan pa akong mapatalon sa kinauupuan ko dahil sa malakas na pagkakasigaw sigaw ni Ace na kanina lang ay mahibing na natutulog sa mahabang sofa.

Nilingon ko siya saka napangiwi ng makita ang ekspresyon niya. Masama ang timpla ng mukha niya at may masamang tingin kina Marcus at Jessica na kanina pang nag-iingay.

Napangisi ako ng biglang tumigil ang ingay na kanina ko pa gustong patigilin. Ang kaninang naghahabulan at nagsisigawang Marcus at Jessica para na ngayong mga basang sisiw at nakasiksik sa isang tabi habang si Denzell naman ay parang tanga na sinisinop ang iPad niyang wasak na.

Natatawa nalang ako sa sarili ko ng ngumiti si Ace saka muling nahiga sa couch para ipagpatuloy yung tulog niya. Nakakatawang isipin na may-isa pa palang tao na kayang magpatahimik kay Jessica bukod sa akin at sa galit na Hell.

"Ang daya! Hindi pa naman ako napindot ahh!" Mabilis pa sa alas kwatro akong napalingon kay Hell ng bigla itong sumigaw saka napataas ang kilay ng bigla siyang magpa-padyak sa kinauupuan at parang ano mang oras, yung luha niya, tutulo na.

Mr. Gangster and the Secret Mafia PrincessWhere stories live. Discover now