ILY-05

28.8K 569 42
  • Dedicated to Cindy WattPad
                                    

Naglalakad ako mag-isa papunta sa cafeteria nang makita ko yung gangster guy na hindi na naman nakasuot ng uniform.

Bakit kaya hindi siya nag uuniform? Siguro malimit siyang nasa guidance office dahil sa reklamo ng mga professors. Ang higpit pa naman ng school na ito pagdating sa complete uniform. Kailangan din ay palagi mong suot ang I.D mo.

Hindi ko na lang pinansin yung mayabang na gangster guy na iyon. Hindi ko gusto ang ugali niya. Masyado siyag mayabang na kala mo kung sino. Umupo ako sa medyo dulo ng cafeteria at kinuha yung cellphone ko. Nag-browse ako ng mga pictures ni Kuya Warren sa gallery. Mga pictures niya itong kiuha ko pa sa facebook nya. Nakakainis, ang gwapo nya!

Ang laking ipinagtataka ko lang nngayon ay kung bakit ang sungit niiya sakin kaninang umaga. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong ginagawa sa kanyang masama. Hindi kaya nararamdaman na niya na may gusto ako sa kanya? Geeez! O baka naman masyadong paranoid lang ako?

Buti na lang pala at pang isang araw lang yung pilay ko sa paa. Haha! Astig! Hindi naman yata pilay yun eh, sumakit lang ata? Kasi kung masakit pa yun ngayon, baka mas awkward ang sitwasyon namin ni Kuya at yakapin ko na naman siya kapag binuhat na naman niya ako.

Naku Xyren! Kailangan mong itigil ang kalandian mo! Napailing ako. Pero imposible naman na isipin nya na may gusto ako sa kanya kasi magkapatid nga kami 'di ba?

“Xyren right?” Umupo sa tabi ko ang isang magandang babae kasama ang isa niyang kaibigan. Namumukhaan ko siya. Taga-ibang section siya pero hindi ko alam ang kanyang pangalan.

“Bakit?” tanong ko na naguguluhan sa paglapit niya. Nakangiti siya nang malawak habang may hawak na juice.

“Uhh well,” pauna niyang sabi habang pinapaikot ang mga yelo sa baso gamit yung straw. Nabasa ko sa isang libro na sign daw iyon ng pagiging flirt but I don't know if it's true.

Parang medyo nahihiya pa siya sakin makipag-usap kaya hindi niya masabi yung gusto niyang sabihin talaga. 

“Ano yun? At bakit mo nga pala ako kilala?”

“Well, I saw you with your brother yesterday. Pwede mo ba siya ipakilala sakin?” nahihiyang sabi niya. Syempre nagulat ako! Kaya lang naman pala siya lumapit ay dahil gusto niya ang kapatid ko!

Tumawa siya nang mahinhin. “Ay sorry, nakalimutan ko na palang magpakilala. I'm Pia at itong kasama ko nga pala si Frances, a friend of mine. You see... I really like your brother.” She's pretty but I think she's not good enough for my brother.

“Sorry pero hindi pwede.”

“Ha? Bakit?” Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Yes, sabihin na nilang possessive ako sa kapatid ko. I don't want the thought of my brother being with other girls.

“He's already taken,” palusot ko na lang sa kanya.

Ay-el-way KuyaWhere stories live. Discover now