ILY-06 to ILY-07

29.2K 600 76
                                    

Nakatalukbong pa rin ako ng kumot habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Doctor Sarmiento kay Kuya. Waaah! Lagot na! Hindi naman kasi masakit yung tyan ko. Acting lang yun. Mahuhuli kaya ako?

“Heto ang reseta. Before meal dapat i-take niya iyan para magkagana siyang kumain. Hindi dahil sa madami o nagkahalo-halo ang kinain niya. Sa tingin ko dahil walang laman ang tyan niya kaya sumakit ito,” sabi ni Doctor Sarmiento habang inaayos na ang mga gamit niya at ready na umalis.

“What do you mean? Wala siyang sakit o ano man?”

“Isang sachet lang daw ng Milo ang kinain niya kanina at hindi rin siya nag-agahan.” Tumawa si Doctor Sarmiento. “Nakakatawang bata. Ngayon lang ako may narinig na binabaon ang Milo at pinapapak ito.” Sumilip ako nang kaunti para tingnan sila pero masama yung tingin sa akin ni Kuya Warren kaya nagtalukbong na ulit ako ng kumot.

“Tawagan nyo na lang ulit ako o puntahan sa office ko sa hospital kung kailangan. Madami pa akong kailangang gawin, hijo.” Pumwesto na si Doctor Sarmiento sa may pinto ng kwarto ko nang silipin ko ulit. “Siya nga pala, kamukhang kamukha mo ang iyong yumaong ama, Warren. Adios!” Paalam ni Doctor Sarmiento.

Si kuya naman ay naka crossed arms at matikas na ngumiti sa Doktor.

“Sai.” seryosong sabi niya nang balingan na naman ako ng tingin.

“B-bakit?” Napalagok ako ng laway. Ramdam ko na lumapit siya sakin. At nang malapit na siya, tinanggal niya ang kumot sa mukha ko. Inilapit niya ang mukha niya sakin na para bang hahalikan ako. Waaaah!

“Ouch!” Kinatok niya ng isang beses yung ulo ko. Ang sakit! Hinawakan ko agad yung parte na nasaktan.

“What the hell Sai? Bakit hindi ka kumakain? Ako ang malalagot kay Mommy kapag may nangyaring masama sayo. Sasabihin nun, 'di kita iniintindi. Kaya kumain ka ng tama at nasa oras hindi puro Milo ang kinakain mo. Gusto mo ba magka diabetes?” Napayuko na lang ako.

Para akong batang sinesermonan ng isang ama sa lagay na ito. Hindi naman ganito manermon si Daddy noong nabubuhay pa siya eh. Tsk.

“Stay. I'll cook.”

“Magluluto ka?!” masiglang tanong ko. “Anong lulutuin mo?! Waaah! Marunong ka pala!”

Yehey! Magluluto sya at ang hot isipin nun! Imagine him wearing an apron? What a hottie!

“Sa tingin mo ba magluluto ako kung hindi ako marunong? Basta dyan ka lang. Tatawagin kita 'pag kakain na,” masungit na sabi nya sakin. Nagsungit na naman! Naku!

So habang nagluluto si Kuya sa baba ay nagbukas muna ako ng computer. Nanuod na lang ako sa youtube ng mga korean boy bands pati na rin ng ibang korean actors. Nakakatuwa talaga yung mga behind the scenes ng You're Beautiful. Ang hot ni Jang Geun Suk! Nagpatugtog din ako ng mga Korean songs habang sinasabayan iyong kumanta. Ang galing ko! Saulado ko yung lyrics lalo na yung mga kanta ng Cn Blue! Favorite ko talaga na kanta nila yung I'm a loner.

Ay-el-way KuyaWhere stories live. Discover now